Ang parallax (maaring baybayin na "paralaks"; Espanyol: paralaje) ay isang pagbabago ng malawak na posisyon ng isang bagay na nakikita sa dalawang linya ng paningin, at nasusukat sa pamamagitan ng anggulo o semi-anggulo ng inklinasyon sa pagitan ng dalawang linya.[1][2] Nagmula ang termino mula sa Griyegong παράλλαξις (parallaxis), na may kahulugang "alterasyon". May malaking paralaks ang mga malalapit na bagay kaysa sa mga malalayong bagay kapag tiningnan sa magkaibang posisyon, kaya nagagamit ang paralak sa pagalam sa layo ng isang bagay.

Isang pinasimpleng ilustrasyon ng paralaks ng isang bagay.

Ginagamit ng mga Astronomer ang prinsipyo ng paralak para malaman ang layo ng mga bagay sa kalawakan kasama na ang Buwan, ang Araw, at ang mga bituin na nasa labas na ng Sistemang Solar. Halimbawa, ang satelayt ng Hipparcos ay kumukuha ng mga sukatan sa humigit kumulang 100,000 malalapit na bituin. Nagbibigay ito ng batayan para sa iba pang malalayong sukatan sa astronomiya, ang hagdanan ng layo sa kalawakan. Dito, ang terminong "paralaks" ay isang anggulo o semi-anggulo ng inklinasyon sa pagitan ng dalawang bahagyang linya papunta sa bituin.

Naaapektuhan rin ng paralaks ang ilang instrumentong pangmata tulad na lamang ng teleskopyo ng riple, largabista, mikroskopyo, at iba pa na tinitignan ang mga bagay sa bahagyang ibang anggulo. Mayroong dalawang mata ang maraming hayop, tulad ng mga tao, na may magkasanob na nakikitang parang na gumagamit ng paralaks para makakuha ng lalalimang persepsiyon; kilala ang prosesong ito bilang stereopsis. Sa paningin ng kompyuter, ginagamit ang epektong ito sa esteryong paningin ng kompyuter, at mayroong gamit na tinatawag na parallax rangefinder na ginagamit para mahanap ang ranggo, at ang ilang baryasyon tulad ng altitud sa puntirya.

Talababa

baguhin
  1. "Parallax". Shorter Oxford English Dictionary. 1968. Mutual inclination of two lines meeting in an angle{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Parallax". Oxford English Dictionary (ika-Second Edition (na) edisyon). 1989. Astron. Apparent displacement, or difference in the apparent position, of an object, caused by actual change (or difference) of position of the point of observation; spec. the angular amount of such displacement or difference of position, being the angle contained between the two straight lines drawn to the object from the two different points of view, and constituting a measure of the distance of the object. {{cite ensiklopedya}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin