Trumpeta
(Idinirekta mula sa Trompeta)
Ang trumpeta, tinatawag ding pakakak[1], ay isang instrumentong pangtugtog na gawa sa tansong-dilaw. Pangunahing ginagamit ito para sa mga musikang klasikal at jazz. Pinakapangkaraniwang uri nito ang trumpetang Bb trumpet, na nangangahulugang kapag tinugtog na manunugtog ang C, magbibigay ito ng tunog na katulad ng isang Bb sa pangkonsiyertong tono. Tinutugtog ang trumpeta sa pamamagitan ng pag-ihip sa piyesang pambibig at paglikha ng "umuugong" na tunog. May tatlong susing pangmusika tinatawag na balbula, na maaaring pindutin o diinan ng tagatugtog upang mabago ang tono.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.