Troy Smith (kapanganakan 20 Hulyo 1984 sa Cleveland, Ohio) ay isa sa dating starting player quarterback para sa Ohio State University football kupunan mula 2004-2006, at ang nagwagi ng 2006 Heisman Trophy. Siya ay napili sa 174th overall selection sa 5th round ng 2007 NFL Draft para sa Baltimore Ravens.

Troy Smith
BaltimoreRavensNo. 11
Quarterback
Date of Birth: (1984-07-20) 20 Hulyo 1984 (edad 40)
Place of Birth: Cleveland, Ohio Estados Unidos
Height: 6 ft 0 in (1.83 m) Weight: 215 lb (98 kg)
National Football League Debut
No regular season appearances
Career Highlights and Awards
Career History
College: Ohio State
NFL Draft: 2007 / Round: 5 / Pick: 174
 Teams:

Si Troy Smith ay nagtapos sa Glenville High School sa Cleveland, Ohio kung saan ang kanyang coach ay si Ted Ginn, Sr., ama ng isa sa mga kasama nya sa kupunan na si Ted Ginn, Jr. Pagtapos ng isang magndang season sa Glenville, si Smith ay naimbitahan na lumahok sa Elite 11 competition, kung saan kasali ang labíng-isá sa mga pinapaniwalaang pinakamagagaling na high school quarterback sa United States. Si Smith ay umani ng pambihirang papuri dahil sa kanyang mga pinakita, at bagamat huli na sa pagpoproseso, Ang Ohio State ay nagbigay pa rin kay Smith ng football scholarship. Siya ay nagkaroon ng commitment sa Buckeyes, matapos pirmahan ang letter of intent nong 6 Pebrero 2002 bilang panghuling manlalaro para sa Buckeyes.

Ang Kanyang Buhay Noon

baguhin

Si Tracy Smith ang ina ni Troy Smith. Siya ay nagpalaki ng dalawang magkaapatid sa Columbus, Bago lumipat sa Cleveland taong 1987, ng walang suporta sa knilang ama. Siya ay nagpakita ng pagkahilig sa paglalaro ng football sa Cleveland, Kung saan sya ay naglaro sa Glenville A's midget football team para sa posisyong running back at tight end. Ang kanyang ccoach na si Irvin White ang naglagay kay Smith sa posisyong quarterback. Pagtapos ng maraming laro, si Snith a nanatili sa posisyon. Noong 1993, si smith ay nalagay sa pangangalaga ng magasawang sina Diane and Irvin White habang ang kanyang ina ay nahaharap sa personal na isyu (drug addiction).[1]

Karera sa High school

baguhin

Si Smith ay naglaro para sa kanyang unang dalawang taon sa St. Edward High School na matatagpuan sa Lakewood, Ohio, subalit lumipat sa Glenville sa kanyang ikatlong taon. Siya ay nakagawa ng 969 yards throw at 12 touchdowns sa kanyang Senior, pinamunuan nya ang Glenville sa state playoffs. si Smith ay naglaro din sa mga sports gaya ng basketball at ran track (high jump, long jump and 1,600-meter relay). Ang West Virginia University ay nagalok din ng recruitement kay Smith, subalit pinli nya na mapabilang at tanggapin ang huling scholarship ng Ohio State's 2002 football recruiting class matapos siyang bigyan ng pagkakataon ni Ohio State coach Jim Tressel na maging quarterback.[2]

Karera sa Kolehiyo

baguhin

Bilang isang redshirted freshman para sa Buckeyes, si Smith ay nagalaro sa kupunan bilang running back at kick returner noong 2003. Si Smith ay naglaro para sa season opener laban sa Washington bilang scatback at returner, at gumawa ng fourteen yards rushing at 83 return yards. matapos ang laro, siya ay nakilala ng NFL scouting radar bilang "athlete."

Pumasok siya sa sophomore season bilang backup quarterback para kay Justin Zwick, ngunit tuluyang naging quarterback matapos magtamo ng injury si Zwick noong 2004 sa gitna ng season laban sa Iowa. Si Smith ay nagwagi sa limang laro na kanyang sinimulan noong 2004, kabilang ang pagkapanalo sa kanilang mahigpit na kalaban, ang Michigan Wolverines. Si Smith ay nasuspende matapos labagin ang undisclosed team rule bago ang Alamo Bowl, kung saan si Coach Tressel ay nagextend ng kanyang suspensiyon hanggang sa unang laro ng 2005 season matapos lumantad na si smith ay tumanggap ng $500 sa booster.[3]

Bilang quarterback para sa kupunan, ang kanilang team ay natalo lamang ng dalawang beses sa 2005 regular season. Una ay sa pagitan ng BCS National Champion Texas Longhorns at ikalawa ang laban sa Penn State Nittany Lions. Si smith ay gumawa ng pambihirang recrd para sa 2005 kung saan kabilang ang 2,282 passing yards, 16 touchdowns, at 4 na interceptions. ito ay naging pangapat sa matataas na record para sa 2005 season.[4] Siya ay naging Offensive MVP para sa Fiesta Bowl noong january, matapos ihatid ang buckeyes sa tagumpay sa 34-20 na final score laban sa Notre Dame Fighting Irish.

Sa ikalawang linggo ng 2006, tinalo ng Buckeyes ang Texas sa pamumuno ni Smith. siya ay gumawa ng 269 yards passing at touchdowns. mlaki ang pinagbago ng kanyang laro sa 2006 season, kung saan nakumpleto nya ang 67% ng mga passes para sa 2,507 yards, ksama dito ang 30 touchdowns at five interceptions na naghatid sa kanyang quarterback rating na 167.87, muli, naging ikaaapat na record sa bansa. .[5]

Si Smith ay naging fanalist para sa 2006 Johnny Unitas Golden Arm Award.[6]

Ibinoto siya ng kanyang kasamahan para sa MVP.[7] Noong 2006-12-07 ang Davey O'Brien Foundation ay ginawaran si Smith ng Davey O'Brien Award para sa pinakamagaling na college quarterback.[8]

Sa lahat ng tatlong laro laban sa Michigan, nanalo ang Buckeyes ng magkakasunod. .[9]

Natapos ang kanyang karera sa college football matapos matalo ng Florida Gators sa 2007 2007 BCS National Championship Game.

Heisman Trophy

baguhin

Si Smith ay nanalo ng Heisman Memorial Trophy noong 9 Disyembre 2006.[10] Siya ay naging kaunanahang quarterback mula sa Big Ten Conference na nanalo sa award. siya ay tumanggap ng 86.7% first place votes. Ang kanyang tally na 2,540 votes ay itinuturing na ikatlo sa pinaka malaking boto pagtapos ng 2005 Heisman Trophy winner.

nakuha ni smith ang award matapos pangunahan ang undefeated record ng kupunan sa regular season, kasama ang mga di malilimutang pagkapanalo sa magagaling na kupunan gaya ng Texas at Iowa Hawkeyes..

Career statistics

baguhin

Passing

baguhin
Year Games Attempts Completions Comp % Yards TDs Interception QB Rating
2002 2 0 0 0 0 0 0 0
2003 11 0 0 0 0 0 0 0
2004 8 122 68 55.7% 896 8 3 134.15
2005 11 237 149 62.9% 2,282 16 4 162.66
2006 12 297 199 67.0% 2,507 30 5 167.87
Career 44 656 416 63.4% 5,685 54 12 159.72

Rushing

baguhin
Year Games Rushes Yards Average Touchdowns
2002 2 0 0 0 0
2003 11 3 14 4.7 0
2004 9 82 339 4.1 2
2005 11 136 611 4.5 11
2006 12 62 233 3.8 1
Career 44 283 1,197 4.2 14

Total offense

baguhin
Year Games Plays Yards Average Touchdowns
2002 2 0 0 0 0
2003 11 3 14 4.7 0
2004 9 204 1,235 6.0 10
2005 11 373 2,893 7.6 27
2006 12 359 2,740 7.6 31
Career 44 939 7,992 7.33 68

College awards

baguhin

Propesyonal na career

baguhin

Si Smith ay nabilang sa 2007 NFL Draft, kahit siya ay tinuturing na Heisman Trophy winner, hindi naging madali ang pagpasok niya ng NFL, dahil sa pagkatalo ng kanilang kupunan laban sa Florida noong 2007 BCS National Championship Game na nauwi sa 41-14 final score.

[11] Dahil dito, ibat ibang spekulasyon ang lumabas ukol sa kupunan na kukuha kay Smith sa NFL Draft. Matapos ang maramimimg spekulasyon, makuha si Smith ng Baltimore Ravens sa fifth round Draft pick. Siya ay pumirma ng tatlong taong kontrata sa Ravens noong 24 Hulyo 2007.[12]

Trivia

baguhin
  • Si Smith ay isa sa tinatawag na cross dominant, sya ay gumagamit ng kanang kamay sa pagbato ng bola subalit kaliwa naman sa kanyang pangsulat.
  • Siya ay kilala bilang "Iron Arm" noong high school dahil sa kanyang matipunong braso.
  • Si Smith ay napabilang sa listahan ng mga quarterback Heisman winners na hindi nakuha sa unang round. Walo sa mga

huling sampu na nanalo sa Heisman ay napili sa draft.

  • Si Smith ay ang 174th pick in the 2007 draft ng Baltimore Ravens. Bilang 174th, Siya ay isa sa mga pinakamababang

Heisman award winners.

  • Si Smith ay napili na gumamit ng numerong 11 para sa Ravens, kasunod ng backup QB na si Drew Olson na gumagamit ng numerong 10.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Forde, Pat (2006-12-07). "Smith, mom to share heartwarming moment of triumph". ESPN. Nakuha noong 2007-08-07. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  2. Ralph, Russo (2006-12-10). "Heisman win is emotional for Troy Smith". Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-08. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. Miller, Rusty (2006-12-06). "Smith Had Difficult Road to Ohio State". Associated Press. Nakuha noong 2007-08-07. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  4. "2005 NCAA Division I-A Passing Leaders". ESPN. Nakuha noong 2006-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "2006 NCAA Division I-A Passing Leaders". ESPN. Nakuha noong 2006-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Smith One of Five Finalist for 2006 Johnny Unitas Golden Arm Award" (Nilabas sa mamamahayag). Ohio State University Department of Athletics. 2006-11-02. Nakuha noong 2006-12-11. {{cite nilabas sa mamamhayag}}: Check date values in: |date= (tulong)[patay na link]
  7. "Smith Named Buckeyes' Most Valuable Player" (Nilabas sa mamamahayag). Ohio State University Department of Athletics. 2006-11-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-12-08. {{cite nilabas sa mamamhayag}}: Check date values in: |date= (tulong)
  8. "OHIO STATE'S TROY SMITH WINS 2006 DAVEY O'BRIEN NATIONAL QUARTERBACK AWARD" (Nilabas sa mamamahayag). Davey O’Brien Foundation. 2006-12-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-17. Nakuha noong 2006-12-11. {{cite nilabas sa mamamhayag}}: Check date values in: |date= (tulong)
  9. Gordon, Ken; May, Tim, & Mitchell, Shawn (2006-11-19). "Dye, 91, watches Smith equal his trifecta over UM". OSU Notebook. Columbus Dispatch. Nakuha noong 2006-11-19. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)[patay na link]
  10. "Rise of Troy: Buckeyes QB wins Heisman Trophy". Associated Press. 2006-12-12. Nakuha noong 2007-08-07. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  11. Smith will likely play waiting game[patay na link]
  12. "Ravens sign Troy Smith, two others". The Sports Network. 2007-07-24. Nakuha noong 2007-08-07. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)[patay na link]
baguhin

Videos

baguhin
Sinundan:
Craig Krenzel
Ohio State Buckeyes
Starting Quarterbacks
2004-2006
Susunod:
Todd Boeckman
Sinundan:
Reggie Bush
Heisman Trophy Winner
2006
Susunod:
current
Sinundan:
Reggie Bush
Walter Camp Award Winner
2006
Susunod:
Current