Trust
Ang trust (literal na "tiwala"), na tinatawag ding corporate trust (may kaugnayan sa salitang consortium), ay isang katagang Ingles na tumutukoy sa isang malaking negosyo. Isa itong bilang ng mga kumpanya na makabatas na ipinangkat sa ilalim ng iisang lupon ng mga direktor.[1] Sa payak na kahulugan, ang trust ay isang payak na kaso ng isang tao na humahawak sa titulo ng isang ari-arian, na maaaring lupain o iba pang mga pag-aari, para sa kapakanan ng ibang tao, na kung tawagin ay beneficiary (benepisyaryo o tagapagmana). Subalit sa ngayon ang kataga ay naging maluwag na inilalapat sa isang partikular na klase ng mga kasunduang pangkomersiyo; at dahil sa popular at pagkawalang-taros na pangamba sa epekto ng mga ito, ang kataga ay naging kontaminado, katulad ng paggamit ng katagang illegal trust (labag sa batas na uri ng trust). Para sa angkop na layunin ipinatutupad ito ng mga hukuman ng katarungan sa loob ng marami nang mga daantaon.[2]
Bagaman ang mga corporate trusts ay nilikha upang mapainam ang organisasyon ng malalaking mga negosyo, noong unang panahon ang malalaking mga negosyo ay naugnay sa mga gawaing mapang-abuso at madalas na ginagamit ang kanilang kalakihan upang magtanggal ng mga kakumpitensiya. Ang maagang kasaysayan ng mga trust ay nakagawang iugnay sila sa mga gawaing laban sa kompetisyon at nag-udyok sa pagpapatupad ng mga batas ukol sa kumpetisyon na nakikilala bilang mga antitrust law o anti-trust law, na sa ibang mga bansa ay tinatawag na mga competition law. Sa Estados Unidos, noong 1898, inilunsad ni Pangulong William McKinley ang panahon ng trust-busting nang iluklok niya ang Komisyong Industriyal ng Estados Unidos. Ang ulat ng Komisyon ay hinawakan ni Theodore Roosevelt, na ibinatay ang kalakihan ng panahon ng kaniyang pagkapangulo ng Estados Unidos hinggil sa trust-busting o paglupit sa mga trust.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R130 at 41.
- ↑ Dwight, Theodore (1888). "The Legality of "Trusts"". Political Science Quarterly. 3: 592. doi:10.2307/2139114.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)