Tsinelas (magaan na panyapak)

Ang tsinelas o slipper ay isang uri ng sapatos na nasa ilalim ng mas malawak na kategorya ng magaan na panyapak o kasuotang pampaa, na madaling isuot at hubarin at nilayong isuot sa loob ng bahay. Nagbibigay sila ng ginhawa at proteksyon para sa mga paa kapag naglalakad sa loob ng bahay.

Mga tsinelas na bukas ang takong

Kasaysayan

baguhin

Mababakas sa nakatalang kasaysayan ang mga tsinelas noong ika-12 dantaon.[1] Ang slipper (sclypper) ay mula sa salitang Ingles na nagmula noong mga 1478.[2] Ang mga nagsasalita ng Ingles ay dating ginagamit din ng kaugnay na terminong pantofles (mula sa salitang Pranses na pantoufle). Sa Tagalog, parehong tumutukoy ang katawagang "tsinelas" sa slipper at flip-flops. Hango ang "tsinelas" mula sa wikang Kastila na "chinela", na partikular na tumutukoy sa flip-flops. Pantufla ang tawag sa slipper sa Kastila.

Kailangan ng mga Victoriyano noong ika-19 na dantaon na Reyno Unido ang gayong sapatos upang mapanatili ang alikabok at graba sa labas ng kanilang mga tahanan.[3] Para sa mga babaeng Victoriyano, ang mga tsinelas ay nagbigay ng pagkakataon na ipakita ang kanilang mga kasanayan sa karayom at gamitin ang pagbuburda bilang dekorasyon.[4]

baguhin

Ang kathang-isip na karakter na si Cinderella ay sinasabing nakasuot ng salamin na tsinelas; sa modernong pagsasalita, malamang na tatawagin silang salamin na mataas na takong. Ang motif na ito ay ipinakilala sa 1697 na bersyon ng kuwentong bibit ni Charles Perrault, "Cendrillon ou la petite pantoufle de verre" ("Cinderella, o ang Maliit na Tsinelas na Salamin"). Sa loob ng ilang taon ay pinagtatalunan na ang detalyeng ito ay isang maling pagsasalin at ang mga tsinelas sa kuwento ay, sa halip, gawa sa balahibo (Pranses: vair ), subalit dineskredito ang interpretasyong ito ng mga polklorista.

Isang pares ng tsinelas na rubi na isinuot ni Judy Garland sa The Wizard of Oz ay nabili sa Christie's noong Hunyo 1988 sa halagang $165,000. Muling ibinenta ang parehong pares ibinenta noong Mayo 24, 2000, sa halagang $666,000.[5] Sa parehong pagkakataon, sila ang pinakamahal na sapatos mula sa isang pelikula na ibebenta sa subasta.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kumpara: Snodgrass, Mary Ellen (17 Marso 2015). "Slippers: Slippers in History". World Clothing and Fashion: An Encyclopedia of History, Culture, and Social Influence (sa wikang Ingles). Routledge. p. 532. ISBN 978-1-317-45167-9. Nakuha noong 24 Abril 2024. Ancient Athenians imported Laconian slippers from Sparta or Asian slip-ons from Persia. [...] Roman women wore socci (slippers) indoors and for assignations. [...] After 449, Anglo-Saxon grooms received their brides' 'slype-scoes' (slip-shoes) from their fathers-in-law as symbols of protection and female control. [...] Trends continued to offer new sensations, as with the Italian pianella (wedge mule) and the scarpetta (slipper) of the late 1300s made in the same fabric as an ensemble. In contrast to the stride of the booted male, women adjusted their gait to suit the slipper, an emblem of femininity.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "slipper". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Kailangan ang suskripsyon o maging kasaspi ng publikong aklatan ng UK.)
  3. "The history of the slipper". Ernest journal (sa wikang Ingles). 14 Agosto 2017. Nakuha noong 2022-03-30. [...] the discerning Victorian gentleman was in need of a pair of 'house shoes' in order to keep the dust and gravel outside – much better than ruining his expensive rug and beautifully polished floor.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The history of the slipper". Ernest journal (sa wikang Ingles). 14 Agosto 2017. Nakuha noong 2022-03-30. Embroidered slippers presented Victorian ladies (on both sides of the Atlantic) with an opportunity to show off their needlepoint skills.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Ruby red slippers fetch $666,000". The Irish Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Most expensive shoes from a film sold at auction". guinnessworldrecords.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-12-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)