Tsitsina Xavante
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Marso 2022) |
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito. Padron:More footnotes
|
Si Tsitsina Xavante ay isang babaeng miyembro ng katutubong Xavante mula sa komunidad ng Namunkurá , isang katutubong teritoryo ng San Marcos, estado ng Mato Grosso, sa rehiyong Amazon ng Brazil. Nagsanay siya sa sosyal na serbisyo at mayroong Masters in Sustainability for Indigenous Peoples and Territories. Siya ay kasapi rin ng Comisión Nacional de la Juventud Indígena (CNJI – Nasyunal na Komite para sa mga Katutubong Kabataan) at ng Red de Juventud Indígena (REJUIND – Samahan ng mga Katutubong Kabataan.
Naniniwala si Tsitsina na ang mga aksyon ng mga kababaihan, lalo na ng mga batang kababaihan, ay mahalagang salik upang maimpluwensyahan ang mga pampublikong polisiya at karapatan ng mga katutubo. Sa pagkilos ng mga katutubo sa Brazil, kapansin-pansin na mas narerepresenta ang mga kalalakihan, subalit gumagawa pa rin naman ng paraan ang mga kababaihan na mapabilang sa politikal na pagdedesisyon.
Isa sa mga nagpapalakas ng loob kay Tsitsina na ipaglaban ang kanilang karapatan ay ang ang suporta ng mga mas nakatatanda sa kanya. Isang mas nakakatanda sa kanya, na kilala sa pangalang João Marinho Tsi’rowe, ang nagsabi sa kanya na "Hindi mahalaga ang kung ano man ang sasabihin nila sa iyo, dahil ang kahulugan ng buhay ay ang kaalaman ng mga babae."[1]
Napabilang rin si Tsitsina sa Commission on the Status of Women (CSW58), kung saan napalawak nito ang kanyang pananaw patungkol sa karapatan ng mga katutubo, pati ang karapatan ng mga babae, at maging ang kakayahan na makipagtulungan sa mga babaeng katutubo na mapabuti ang pamumuhay.[1]
Personal na buhay
baguhinAng pangalang Samantha Ro'otsitsina Xavante ay ibinigay sa kanya para sa pagbibigay karangalan sa kanyang lola sa ama. Tinatawag rin siya bilang Tsitsina.[2] Dalawang taong gulang pa lamang si Tsitsina nang matapos ng kanyang ama ang termino sa pagiging federal deputy. Anak siya Mário Juruna, ang nag-iisang katutubo na nahalal sa kasaysayan ng bansa sa pambansang lehislatura (1983-1987). Siya ay kasapi ng Indigenous Youth Network (Rejuind), isang aktibong kilusang ng mga kababaihan. Nagtapos siya ng kursong Social Work at Master sa Sustainable Develoment sa University of Brasilia.[3] Sinabi ni Tsitsina na nasa kolehiyo na siya noong malaman niya ang kahalagahan ng ipinaglalaban ng kaniyang ama, nang siya na mismo ang kumikilos para sa isang grupo ng mga estudyanteng katutubo sa Mato Grosso do Sul.[2]
Kahit na madalas silang dalawin sa bahay ng mga kilalang pinuno sa bansa, tulad ng pinuno na si Raoni Metuktire at Álvaro Tukano, si Tsitsina ay hindi naiugnay ang mga kaibigan ng kanyang ama sa kakayahan niyang makita ang kahalagahan sa politika na kinatawan nila. "Siya (ang tatay) ay hindi kailanman gumawa ng isang pampulitikal na gawain, ang tanging sinabi niya, hindi lamang para sa akin ngunit para sa lahat ng aking mga kapatid, ay: nais kong mag-aral ka, nais kong sanayin ka at balang araw ay maaari kang magbigay sa iyong pamilya at magbigay ng kontribusyon sa mga katutubo ng Brazil, "sabi ni Tsitsina sa Free Land Camp (Acampamento Terra Livre) sa Brasilia.
Pagiging kabilang sa Acampamento Terra Livre
baguhinAng kanyang pakikilahok sa Acampamento Terra Livre, ay nagsimula noong 2008, noong siya ay estudyante pa lamang sa kolehiyo at itinatabi niya ang kaniyang pera para sa pagtitipong ito. Ang pagkakaiba-iba ng mga lumahok na tao, ang kanilang mga layunin, at ang tindi ng kanilang kagustuhang lumaban ang nagbigay insipirasyon kan Tsitsina na noon ay mag-aaral pa ng Dourados (MS) sa Brasil. Simula noon ay pinalawak na ni Tsitsina ang kaniyang estratihiya at pakikiulahok sa mga nasyunal na kilusan ng mga katutubo, lalo na sa mga kolektibo at grupo ng mga kabataan at mga kababaihan. Nakipagtulungan rin siya upang magkaroon ng mga sesyon-plenaryo ang mga kababaihan nang ilang ulit doon sa pagtitipon. Nagtungo rin siya sa New York upang irepresenta ang mga mamamayan ng Brasil para sa “Permanent Forum on Indigenous Issues” sa United Nations. Nagtungo rin siya sa Human Rights Commission of the Federal Senate.[4]