Tugmaang pambata
Ang tugmaang pambata, rimang pambata, o tulang pambata ay mga tula, berso, kanta, o awiting kinawiwilihan ng mga bata dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng nakasisiyang mga tugmaan ng tunog, tinig, at mga salita. Isang halimbawa nito ang Pen-pen de Sarapen. Sa Kanluraning Mundong nagsasalita ng Ingles, nalalaman ng mga bata ang tinatawag nilang mga rima ni Inang Gansa o Mother Goose.[1]
Karamihan sa mga tugmaang pambata ang hindi naman talaga layuning maging para sa mga bata, sapagkat mayroon sa mga ito ang may pinagmulang mga balada o awiting kinakanta ng mga matatanda. Mayroon din namang may impluho ng mga bugtong. Mayroon din namang ukol sa mga kaganapang pampolitika sa ilang pook ngunit naging bahagi ng panitikang pambata. Nang awitin ang mga ito ng mga ina at narinig ng mga batang inaalagaan nila, natandaan ng mga bata ang mga nakaaakit sa pandinig na mga koro o parirala.[2]
Kabilang sa mga tangi o talagang pambatang mga tugmaan o rima ang mga inaawit ng mga ina para sa mga bata tuwing oras na ng pagtulog, ang mga panghele o oyayi. Pati na ang mga tulang nagtuturo sa mga bata ng pagbilang at pagbigkas ng abakada o alpabeto. Kasama rin ang mga tugmaang ginagamit ng mga ina at mga anak sa tuwinang naglalaro sila habang magkakapiling.[2]
May mga tugmaang pambata ang bawat bansa. Naglalaman ang mga ito ng kasaysayan at ng kaugalian ng mga mamamayan ng bansa.[2]
Mga katangian
baguhinMay mga dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga bata ang makinig at magsambit ng mga kataga ng mga tugmaang pambata. Naging bantog ang mga ito sa mga bata dahil sa mga katangian nito. Sari sari ang mga paksa ng mga panulaang pambata, katulad ng mahaharot na mga bata, mga taong may masasamang mga ugali o gawi, matatandang mga kababaihan, mga hari, mga reyna, at mga hayop. Naglalahad ang iba ng mga kuwentong pambata na kalimitang may sigla at nakasisiyang pakinggan. Mayroon namang labis ang pagiging nakakatawa, bagaman mayroon ding malulungkot. Siyempre, mayroon itong tiyak na tugmaan ng mga tunog at salita, kahit na walang saysay ang mga nilalaman o mensahe. May mga himig ang mga ito na naaangkop sa bawat damdaming nakakaantig sa mga isipan, pandinig, at puso ng mga bata.[2]
Mga piling halimbawa
baguhinPen-Pen de Sarapen
baguhin- Tungkol ang seksiyon ito sa awiting pambata, para sa bandang Pilipino pumunta sa Pen Pen.
Sa kasalukuyan, isa nang tugmaang pambata ang Pen-Pen di Sarapen[1], ngunit dati itong isang tila "walang saysay" na tugmaan na may nakapailalim na kahulugan. Sapagkat tinutuligsa nito ang mga Kastilang mananakop ng Pilipinas na gumagamit ng espada upang igiit ang Kristiyanismo sa mga sinaunang Pilipino.[3]
Narito ang taludturan nito:[3]
- Pen Pen di Sarapen, de kutsilyo de almasen.
- Hau hau de kalabaw, de batuten!
- Sayang pula, tatlong pera,
- Sayang puti, tatlong salapi.
- Sipit namimilipit, gintong pilak
- Namumulaklak sa tabi ng dagat!
Pongpong
baguhinBinibigkas ang tugmaang pambatang Pongpong para sa mga sanggol na may limang buwang gulang at pataas na edad. Sinasambit ito habang may pag-iingat na hinahawakang magkakadikit ang mga kamay at mga paa ng sanggol, parang isang ehersisyo ng pag-uunat para sa mga bata:[4]
- Pong...
- pong...
- pong....
- Galapong!
Haba, haba
baguhinBinabanggit ang Haba, haba sa mga sanggol na may apat na taong gulang at pataas. Nilalahad ito habang mahinahong hinihipo ang katawan ng sanggol magmula sa balikat papunta sa mga hita, na nagsisilbing masahe sa mga bata:[4]
- Haba, haba,
- Parang bangka!
- Bilog, bilog,
- Parang niyog!
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Nursery rhyme, halimbawa: Pen-Pen de Sarapen - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Nursery Rhymes". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 402. - ↑ 3.0 3.1 Pen Pen di Sarapen[patay na link], The Filipiñana Project, Filipiniana.blogspot.com
- ↑ 4.0 4.1 Pongpong at Haba haba, Tulang Pambata, TulangPambata.blogspot.com
Mga kawing panlabas
baguhinMga mapagkukunan ng mga halimbawa ng mga tugmaang pambata: Mga payak na halimbawa, nababagay para sa mga sanggol:
- Tula, Tugma at Awiting Pambata Tagalog at Ingles, Hagonoy-Bahay-Kubo.blogspot.com, 15 Mayo 2008
- Tulang Pambata, TulangPambata.blogspot.com
Mas mahahabang mga halimbawa, mas angkop sa mas nakatatandang mga bata:
- Apat na Tulang Pampamilya Naka-arkibo 2009-07-20 sa Wayback Machine. ni Dr. Paulina Flores-Bautista, Inquirer.net
- Mga Tulang Pambata Naka-arkibo 2009-04-09 sa Wayback Machine., ni Sonny A. Mendoza, Sonny A . Mendoza Publishing Inc., isang elektronikong aklat (PDF), Aseaninfonet.org