Tugtuging pamballet

Ang tugtuging pamballet (Ingles: ballet music) ay isang anyo ng tugtugin na sumulong mula sa payak na pangsaliw, pangganap, pampuno, o pandagdag sa sayaw na ballet, hanggang sa maging isang tunay o tiyak na anyong pangkumposisyon na madalas na nabibigyan ng katumbas na halaga ng sayaw na kapiling nito. Ang anyong sayaw ng ballet, na nagsimula sa Pransiya noong ika-17 daantaon, ay nagsimula bilang isang sayaw na pantanghalan o pangteatro. Noong sumapit ang ika-19 na daantaon, nagkamit ang ballet ng katayuan bilang isang anyong "klasikal" o "klasiko". Sa larangan ng ballet, ang mga katagang "klasikal" at "romantiko" ay pabaligtad ang kronolohiya o pagkakasunud-sunod mula sa paggamit na pangmusika. Kung kaya't ang kapanahunang klasikal noong ika-19 na daantaon sa ballet ay kasabayan ng kapanahunang Romantiko noong ika-19 na daantaon sa larangan ng Musika. Ang mga kompositor ng musikang pamballet mula sa ika-17 hanggang ika-19 na daantaon, na kinabibilangan nina Jean-Baptiste Lully at Pyotr Ilyich Tchaikovsky, ay pangunahing nasa Pransiya at Rusya. Ngunit dahil sa tumaas na katanyagan na nakita sa panahon ng buhay ni Tchaikovsky, ang kumposisyon o paglikha ng musika ng ballet at ng sayaw na ballet mismo sa pangkalahatan ay lumaganap sa kahabaan ng mundong kanluranin.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Goodwin "Ballet 2009"

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.