Tulay ng Sonjuk
Ang Tulay ng Sonjuk ay isang batong tulay na ipinagawa noong panahon ng Koryo (1290) na matatagpuan sa Kaesong, Hilagang Korea. Kilala iyon bilang lugar kung saan ang kilalang erudito (iskolar) na estadistang si Jeong Mong-ju ay ipinapatay, na kautusan umano ni Yi Bang-won, anak ni Yi Seong-gye na unang hari ng Dinastiyang Joseon. Ipinasara ang tulay sa trapiko noong 1780 at yao'y naging pambansang bantayog simula noon. Mayroon itong 8.35m kahabaan at 3.36m kalawakan. Una itong pinangalanang Tulay ng Sonji, ngunit pinalitan iyon ng Sonjuk pagkatapos ng asasinasyon doon ni Jeong Mong-ju (kawayan ang kahulugan ng juk sa Koreano).[1]
Tulay ng Sonjuk | |
Chosŏn'gŭl | 선죽교 |
---|---|
Hancha | 善竹橋 |
Binagong Romanisasyon | Seonjukgyo |
McCune–Reischauer | Sŏnjukkyo |
Sanggunian
baguhin- ↑ World Cultural Heritage-Historical Relics in Kaesong, Korea Computer Center in DPRKorea & Foreign Languages Publishing House, 2003–2014, naganap noong 07:51, inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hulyo 2014, nakuha noong Hulyo 12, 2014
{{citation}}
: Unknown parameter|people=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.