Turismo sa Tsina
Ang turismo sa Tsina ay malaking lumawak sa mga huling ilang dekada sa pasimula ng reporma at pagbubukas sa Tsina. Ang paglitaw ng bagong mayamang middle class at pagpapagaan sa paglilimita sa paglalakbay at pagkilos ng mga turista ng mga autoridad ng Tsina ay nagpalawak ng turismong ito. Ang Tsina ang ikatlong pinakabinibisitang bansa sa buong mundo noong 2012. Ang mga bumisitang turista sa Tsina noong 2012 ay 57.7 milyon na pagtaas mula 55.98 milyong noong 2010. Ang kinita sa foreign exchange ng Tsina sa turismo ay 45.8 bilyong dolyar na ikaapat na pinakamalaki sa buong mundo noong 2010.