U.S. National Geodetic Survey

Ang National Geodetic Survey, na dating tinawag na US Coast and Geodetic Survey (U.S.C.G.S.), ay isang ahensyang pederal ng Estados Unidos na tumutukoy at namamahala sa pambansang sistema ng koordinado . Sinusukat nito ang mga lupain at nangunguna sa paggawa ng mga mapa . Sinusukat din nito ang mga magnetikong ligiran at mga agos . Sinimulan nito ng Kongreso noong 1807 upang iguhit ang mapa ng baybayin ng bansa.[1] Tumutulong ito sa transportasyon at komunikasyon; pagmamapa at pagtatala; at maraming gamit sa agham at inhenyeriya . Mula pa noong 1970, naging bahagi ito ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), ng Kagawaran ng Komersyo ng Estados Unidos.[1]

Isang simbolong pangmarka ng Geodetic Survey

Mga Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Coast and Geodetic Survey Heritage = NOAA Central Library". Archived from the original on December 19, 2015. Retrieved January 13, 2012.

Mga kawingang panlabas

baguhin