Pakikipag-ugnayan sa ibang tao

(Idinirekta mula sa Ugnayan ng mga tao)

Kapwa: Isang Sentrong konsepto sa Sikolohiyang Pilipino[1]

baguhin

Ang gawaing pagkilala sa mga pangunahing konsepto na siyang ginagamit upang maunawaan ang sikolohiya, pag-iisip, personalidad at pagkilos ng mga tao ay hindi madali.

Ang Konsepto ng Kapwa

baguhin

Pakikipag-ugnayan o pakikipag-kapwa tao ay tunay na mahalagang aspeto ng social life. Ang pagsusuri ng ating mga pakikipag-ugnayan dito sa Pilipinas ay nagpapahayag nang maraming bagay tungkol sa ating pagkatao. Ang mga sosyal na pakikipag-ugnayan ay dapat maging makabuluhang pokus ng pagsusuri sa prosesong pagkilala ng konseptong kapwa.

Ang wikang Filipino sa ganitong paraan, ay nagbibigay ng konseptual na pagkakaiba-iba sa maraming antas at paraan ng pakikipag-ugnayan. Si Santiago at Enriquez (1976) ay napag-alam na mayroong walo (8) sa Filipino:

  1. Pakikitungo
  2. Pakikisalamuha
  3. Pakikilahok
  4. Pakikibagay
  5. Pakikisama
  6. Pakikipagpalagayan/Pakikipagpalagayang-loob
  7. Pakikisangkot
  8. Pakikiisa

Ang mga pagkakaiba na ito ay hindi lamang para sa konseptual at teoretikal kundi ang mga ito ay nagpapakita ng magkakaugnay na mga paraan ng pakikipagkapwa-tao kung saan nagpapakita ng mga antas na maaaring maging hindi gaanong kasangkot sa ugnayan (pakikitungo) hanggang doon sa buong pagkakakilala sa kaugnayan (pakikiisa). Habang pataas ang mga antas na ito (mula pakikitungo hanggang sa pakikiisa), palalim nang palalim din ang ugnayan at nagiging mas personal sa pagitan ng mga tao.

At dahil diyan, mayroong aspetong pag-uugali o asal din ang mga antas na ito, na sa habang palalim ng palalim ang pakikipag-ugnayan ay nag-iiba din ang kilos ng isang tao tungo sa kanyang kaugnayan.

Ibang-tao o "outsider" na Kategorya:
baguhin

Mga Antas:

  • Pakikitungo (level of amenities)
  • Pakikibagay (level of conforming)
  • Pakikisama (level of adjusting)
Hindi ibang-tao o "one of us" na Kategorya:
baguhin

Mga Antas:

  • Pakikipagpalagayang-loob (level of mutual trust)
  • Pakikiisa (level of fusion, oneness and full trust)

Sa ganitong paraan, sa pagkilala at pagpapaliwanang ng interpersonal na pag-uugali ng isang Pilipino ay babalik at babalik rin ito sa konsepto ng kapwa dahil ito ang natatanging konsepto na siyang kumikilala sa parehong ibang-tao (outsider) at hindi ibang-tao (one of us).

Ang Kahulugan ng Kapwa

baguhin

Ang mga Filipino-English na mga diksiyunaryo ay sinasabing "both" at "fellow-being" ang pagsasalin ng kapwa (Panganiban 1972, Enriquez 1979, de Guzman 1968, Calderon 1957).

Ngunit kapag tinatanong kung ano ang pinakamalapit na salitang Ingles sa konsepto ng kapwa, ang madalas na tugon ay ang salitang "others". Ang salitang kapwa ay 'di hamak na magkaiba sa salitang others dahil ang kapwa ay ang pagkakaisa ng "self" (sarili) at "others" (ibang tao). Ang salitang Ingles na others (ibang tao) ay sumasalungat sa salitang self (sarili) at ipinapahiwatig na ang sarili ay may hiwalay na identidad (separated identity). Ngunit, ang konseptong kapwa ay kinikilala bilang shared identity.

Pakikipagkapwa

baguhin

Ang konsepto ng pakikipagkapwa ay lumalabas na mahalaga hindi lang sa sikolohiyang aspeto, kundi pati na rin sa pilosopikal na aspeto. Habang ang pagtutunguhan ay tumutukoy sa lahat ng antas ng ugnayan, tanging ang salitang pakikipagkapwa lamang ang maaaring gamitin sa parehong paraan (na tumutukoy ito sa lahat ng antas ng ugnayan) at maaari ring nagpapahiwatig ito ng ideya, kahalagahan/pag-uugali o paninindigan na siyang pinakamahalaga sa mga Pilipino.

Ang pagtutunguhan rin naman ay nagpapahiwatig ng mababaw na ugnayan: level of amenities habang ang pakikipagkapwa ang tumutukoy sa tunay na pagka-makataoayon kay Santiago (1976).

Ang pakikipagkapwa ay mas malalim sa kanyang mga ipinapahiwatig (panindigan, ideya, kahalagahan/pag-uugali). Nangagahulugan din ito bilang pagtatanggap at pakikitungo sa ibang tao bilang kapantay, katulad. Halimbawa, ang presidente ng isang kompanya at isang kawani sa opisina ay hindi magkapareho ang mga tungkulin, estado o kita ngunit ang pagka-Filipino nila ay nagtutulak sa kanila at nagpapatupad ng ideya na dapat itrato at irespeto nila ang isa't isa bilang tao din o kapwa-tao.

Tingnan din

baguhin
  1. Enriquez, Virgilio. Kapwa: A Core Concept in Filipino Social Psychology.