Ugnayang pang-industriya

Larangang nakatuon sa pag-aaral ng ugnayan sa trabaho o industriya
(Idinirekta mula sa Ugnayang industriyal)

Ang ugnayang pang-industriya ay isang larangang multidisiplinaryo (pangmaramihang mga disiplina) na nag-aaral ng mga ugnayang pangpagpapatrabaho.[1][2] Ang ugnayang pang-industriya ay lalong tinatawag na nang malawakan bilang ugnayang pangpagpapahanabuhay o ugnayang pang-empleyado dahil sa kahalagahan ng ugnayang pangpagpapatrabaho na hindi pang-industriya;[3] ang ganitong paglipat ay paminsan-minsang tinatanaw bilang pagpapalawak ba ng kalakaran sa pamamahala ng mga tauhan.[4] Sa katunayan, mayroong ilang mga may-akda sa ngayon ang nagbibigay na ng kahulugan sa pamamahala ng mga tauhan bilang kasingkahulugan ng ugnayang pang-empleyado.[5] Mayroong ibang mga may-akda na tumatanaw sa ugnayang pang-empleyado na humaharap lamang sa mga manggagawang walang unyon, habang ang ugnayang panggawain ay tinatanaw bilang humaharap sa mga manggagawang may unyon.[6] Ang aralin na pang-ugnayang pang-industriya ay sumisiyasat sa sari-saring mga katayuang pangtrabaho, hindi lamang sa mga pangkat ng mga manggagawang kasapi sa unyon. Subalit, ayon kay Bruce E. Kaufman, sa isang malaking kaantasan, karamihan sa mga iskolar ay itinuturing ang unyonismong pangkalakalan, pakikipagtawarang panglahatan at ugnayang pangmanggagawa at pangtagapamahala, at ang pambansang patakarang pangmanggawa at batas pangmanggawa na kinapapalooban nila bilang pangunahing mga paksa sa larangan.[7]

Nagsimula ang ugnayang pang-industriya sa Estados Unidos noong pagwawakas ng ika-19 daantaon. Nailunsad ito bilang isang larangang kasabayan ng New Deal ("Bagong Pakitunguhan", "Bagong Kontrata", o "Bagong Ugnayan"). Subalit noon, ito ay pangkalahatang isang larangan ng pag-aaral na nasa mga bansang nagsasalita lamang ng Ingles, na walang tuwirang katumbas sa Europang kontinental.[1] Sa kamakailang mga kapanahunan, ang ugnayang pang-industriya ay nagkaroon ng pagbaba bilang isang larangan, na may kaugnayan sa pagbaba ng kahalagahan ng mga unyong pangkalakalan,[7] at dahil sa tumataas na pagnanais ng mga paaralang pangnegosyo para sa paradigmo ng pamamahala ng mga tauhan.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Ackers, Peter (2002) “Reframing Employment Relations: The Case for Neo-Pluralism,” Industrial Relations Journal. doi:10.1111/1468-2338.00216
  2. Kaufman, Bruce E. (2004) The Global Evolution of Industrial Relations: Events, Ideas, and the IIRA , International Labour Office.
  3. Philip Lewis; Adrian Thornhill; Mark Saunders (2003). Employee Relations: Understanding The Employment Relationship. Financial Times/Prentice Hall. p. 3. ISBN 978-0-273-64625-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Paul Banfield; Rebecca Kay (2008). Introduction to Human Resource Management. Oxford University Press. p. 114. ISBN 978-0-19-929152-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ed Rose (2008). Employment Relations. Financial Times/Prentice Hall. p. 96. ISBN 978-0-273-71008-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. John R Ogilvie; Susan T Cooper (2005). CLEP Principles of Management W/ CD-ROM (REA) - The Best Test Prep for. Research & Education Assoc. p. 141. ISBN 978-0-7386-0125-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Bruce E. Kaufman (2008). "The original industrial relations paradigm: foundation for revitalizing the field". Sa Charles J. Whalen (pat.). New Directions in the Study of Work and Employment: Revitalizing Industrial Relations As an Academic Enterprise. Edward Elgar Publishing. p. 31. ISBN 978-1-84720-452-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Daphne Taras (2008). "How industrial relations is marginalized in business schools: using institutional theory to examine our home base". Sa Charles J. Whalen (pat.). New Directions in the Study of Work and Employment: Revitalizing Industrial Relations As an Academic Enterprise. Edward Elgar Publishing. p. 124. ISBN 978-1-84720-452-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Komunikasyon at Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.