Ulcer na buruli
Ang ulcer na buruli (na kilala rin bilang Bairnsdale ulcer, Searls ulcer, o Daintree ulcer[1][2][3]) ay isang nakakahawang sakit na dulot ng Mycobacterium ulcerans.[4] Ang maagang bahagi ng impeksiyon ay nakikitaan ng walang pananakit na nodule o bukol o bahaging namamaga.[4] Ang bukol na ito ay maaaring maging isangulcer o sugat.[4] Ang ulcer ay maaaring maging mas malaki sa loob kaysa sa nasa ibabaw ng balat,[5] at maaaring paligiran ng pamamaga.[5] Habang lumalala ang sakit, maaaring maimpeksiyon ang buto.[4] Karaniwang naiimpeksiyon ng mga buruli ulcer ang mga kamay at paa;[4] di karaniwan ang lagnat.[4]
Buruli ulcer | |
---|---|
Buruli ulcer on the ankle of a person from Ghana. | |
Espesyalidad | Infectious diseases |
Sanhi
baguhinAng M. ulcerans ay naglalabas ng toxin o lason sa katawan na kilala rin bilang mycolactone, na nagpapahina ng paggana ng resistensiya ng katawan at nagbubunga ngpagkamatay ng mga tisyu.[4] Ang bakterya ay mula sa parehong pamilya na dahilan din ng tuberculosis at ketong (Ang M. tuberculosis at M. leprae, ayon sa pagkakasunod-sunod nito).[4] Hindi pa napag-aalaman kung paano naihahawa ang sakit.[4] Maaaring may kinalaman sa pagkakahawa nito ang mga pinanggagalingan ng tubig. [5] Hanggang 2013, wala pang mabisang bakuna. [4][6]
Paggamot
baguhinKung ang mga tao ay maagang maipapagamot, ang mga antibiotic nang walong linggo ay mabisa sa 80%.[4] Karaniwang kasama sa paggamot ang mga gamot na rifampicin at streptomycin.[4] Kung minsan ang Clarithromycin o moxifloxacin ang ginagamit sa halip na streptomycin.[4] Maaaring kasama sa mga paggamot ang pag-operang pagtanggal ng ulcer.[4][7] Pagkagaling ng impeksiyon, magkakaroon ng peklat.[6]
Pag-aaral tungkol sa epidemya
baguhinAng mga ulcer na buruli ay karaniwang dumadapo sa probinsiya ng sub-Saharan Africa lalong-lalo na angCote d'Ivoire, pero maaari ring dumapo sa Asya, Kanlurang Pasipiko at ang Amerika.[4] May mga kasong nangyari sa mahigit sa 32 na bansa.[5] Ang humigit-kumulang na lima hanggang anim na libo ng kaso ang nangyayari taun-taon.[4] Maliban sa tao, dumadapo rin ang sakit sa mga ilang hayop.[4] Si Albert Ruskin Cook ang unang naglarawa ng mga buruli ulcer noong 1897.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ James, William D.; Berger, Timothy G.; atbp. (2006). Andrews' Diseases of the Skin: clinical Dermatology. Saunders Elsevier. p. 340. ISBN 0-7216-2921-0.
{{cite book}}
: Explicit use of et al. in:|author=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Rapini, Ronald P.; Bolognia, Jean L.; Jorizzo, Joseph L. (2007). Dermatology: 2-Volume Set. St. Louis: Mosby. Chapter 74. ISBN 1-4160-2999-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Lavender CJ, Senanayake SN, Fyfe JA; atbp. (Enero 2007). "First case of Mycobacterium ulcerans disease (Bairnsdale or Buruli ulcer) acquired in New South Wales". Med. J. Aust. 186 (2): 62–3. PMID 17223764.
{{cite journal}}
: Explicit use of et al. in:|author=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 4.00 4.01 4.02 4.03 4.04 4.05 4.06 4.07 4.08 4.09 4.10 4.11 4.12 4.13 4.14 4.15 4.16 "Buruli ulcer (Mycobacterium ulcerans infection) Fact sheet N°199". World Health Organization. Hunyo 2013. Nakuha noong 23 Pebrero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Nakanaga, K; Yotsu, RR; Hoshino, Y; Suzuki, K; Makino, M; Ishii, N (2013). "Buruli ulcer and mycolactone-producing mycobacteria". Japanese journal of infectious diseases. 66 (2): 83–8. PMID 23514902.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Einarsdottir T, Huygen K (Nobyembre 2011). "Buruli ulcer". Hum Vaccin. 7 (11): 1198–203. doi:10.4161/hv.7.11.17751. PMID 22048117.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sizaire V, Nackers F, Comte E, Portaels F (2006). "Mycobacterium ulcerans infection: control, diagnosis, and treatment". Lancet Infect Dis. 6 (5): 288–296. doi:10.1016/S1473-3099(06)70464-9. PMID 16631549.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)