Ulilang Dalagita na nasa Sementeryo

Ang Ulilang Dalagita na nasa Sementeryo o Ulilang Batang Babae na nasa Loob ng Libingan (Ingles: Orphan Girl at the Cemetery[1] o Young Orphan Girl in the Cemetery[2], c. 1823 o 1824) ay isang dibuhong ipininta ni Eugène Delacroix, isang Pranses na pintor, noong 1823.

Ulilang Dalagita na nasa Sementeryo
Alagad ng siningEugène Delacroix
Taoncirca 1823–1824
TipoLangis sa kanbas
KinaroroonanMuseo ng Louvre, Louvre, Paris

Paglalarawan

baguhin

Bilang isa sa mga unang akda ni Delacroix, pinaniniwalaan na isa itong paghahanda lamang para sa Masaker sa Chios (Massacre at Chios sa Ingles, o Pagpapatayan sa Chios)[3] Mapagmamasdan at mararamdaman mula sa larawan ang kalungkutan, bago pa man mabasa ang ibinigay na pamagat para rito. Ayon sa Museo ng Louvre, may "mga luhang namumutawi at nangingilid sa mga ng dalagita," isang tanda ng pagdadalamhati. Nagbabadya rin ng pighati ang payak na tanawing nasa likuran ng batang babae: ang anyo ng kalangitan at ang pinabayaang libingan. Naglilikom din ng paksang kalungkutan ang kalagayan ng pangangatawan at pananamit ng dalagita: ang pagkakabagsak ng bahagi ng blusa sa may balikat, ang kamay na nakahimlay sa hita, ang paglalaro ng mga anino sa ibabaw ng kaniyang batok at leeg, ang kadiliman sa gawing kanan ng taong ito, at ang malamig at mapanglaw na mga kulay sa damit. Mapapansin sa mga ito ang katayuan ng kawalan ng pag-asa at ang kaulilahan at kawalan ng maaaring dumamay sa batang babae, mayroon siyang tinatanaw ngunit hindi nakikita ng taong tumitingin sa larawang ito.[2]

Ang dibuhista

baguhin

Para kay Delacroix, ang kulay ang pinakamahalagang elemento ng isang dibuho kaya't wala siyang tiyaga at pasensiya sa paggaya ng mga estatuwang klasiko. Hinangaan niya sina Peter Paul Rubens at ang mga Benesyano (mga taga-Benesya), Italya. Pinili niyang gamitin ang makukulay at eksotiko o "nagmula sa ibang mga lupain"[4] na mga tema o paksa para sa kaniyang mga larawan, na nangingintab sa liwanag at puno ng pagkilos.[1]

Pinaglalagakan

baguhin

Kasalukuyan itong taglay at pinangangalagaan ng Museo ng Louvre (Musée du Louvre) sa Louvre, Pransiya.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Painting, Orphan Girl at the Cemetery, Eugéne Delacroix, ayon sa sangguniang ito "c. 1823". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Young orphan girl in the cemetery", Thematic Trails : Eugène Delacroix – Passion and Inspiration Naka-arkibo 2011-05-18 sa Wayback Machine., Museo ng Louvre, Louvre.fr, ayon sa sangguniang ito: "c. 1824".
  3. "Massacre", pagpapatayan Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  4. "Exotic", galing sa ibang lupain Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org

Panlabas na mga kawing

baguhin