Uluru
Ang Uluru o Batong Ayers ay isang malaking bato na matatagpuan sa Hilagang Teritoryo o Northern Territory, isang teritoryo sa Australya. Ito ay makikita 335 km timog kanluran ng Alice Springs, 450 km gamit ang kotse. Ang batong ito ay isa sa dalawang pangunahing katangian ng Pambansang Parke ng Uluru-Kata Tjuta. Maraming batis, balon, kuweba at sari-saring sinaunang larawan sa bato ang matatanaw sa Uluru.
Uluru (Uluṟu) | |
Batong Ayers | |
Inselberg Monolith | |
Uluru mula sa ere
| |
Bansa | Australya |
---|---|
Estado | Northern Territory |
Elevation | 863 m (2,831 ft) |
Prominence | 348 m (1,142 ft) |
Mga tugmaang pampook | 25°20′42″S 131°02′10″E / 25.34500°S 131.03611°E |
UNESCO World Heritage Site | |
Name | Uluṟu - Kata Tjuṯa National Park |
Wikimedia Commons: Uluru | |
Website: www.environment.gov.au/... | |
Itunuturing ng mga katutubo na banal ang bato at ito ay nakalista sa UNESCO bilang isang World Heritage Site o Pandaigdig na Pamanang mga Pook ng UNESCO. Hindi bawal ang pag-akyat sa bato ngunit ito ay sinisikap pigilin ng mga Aborihine dahil sa pangrelihiyong simbolo ng bato. Ang iba pang rason ng pagpigil sa pag-akyat ay para sa kaligtasan ng mga bisita at sa pangangalaga at panantili ng pormasyon ng bato na unti-unting nababago ng mga yapak ng tao.