Ulysses Grant Dailey

Si Ulysses Grant Dailey (1885-1961) ay isang Amerikanong maninistis o siruhano, manunulat, at guro.[1] Siya ang isa sa mga unang negro o taong kulay-itim ang balat na kinilala sa larangan ng panggagamot.[2] Noong 1949, ginawaran siya ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pambansang Asosasyong Pangmedisina ng Parangal sa Kinikilalang Paglilingkod (Distinguished Service Award).[3]

Ulysses Grant Dailey
Kapanganakan1885
Kamatayan1961
Trabahosiruhano

Talambuhay

baguhin

Ipinanangank si Dailey sa Donaldsonville, Louisiana. Tinanggap niya ang kanyang pagkaduktor ng medisina mula sa Pamantasang Hilagang-Kanluran (o Northwestern University) noong 1906. Itinatag niya ang Ospital at Sanitaryo ni Dailey (Dailey Hospital and Sanitarium) noong 1926. Naging pangunahing siruhanong tagapangalaga ng Ospital ng Provident sa Tsikago, Ilinoy mula 1933 hanggang 1952. Nagkaroon siya ng mga takdang-gawain sa Kagawaran ng Estado sa Indiya, Sri Lanka, at Aprika mula 1952 hanggang 1953. Mula 1915 hanggang 1916, isa siyang katoto ng Pandaigdigang Dalubhasaan ng mga Maninistis at pangulo ng Pambasang Asosasyong Mediko.[2][4]

Namatay siya sa gulang na 76.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ulysses Grant Dailey, M.D.[patay na link], Who's Who?, PubMedCentral.nih.gov
  2. 2.0 2.1 "Ulysses Grant Dailey". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 373.
  3. Dr. Ulysses Grant Dailey Receives Distinguished Service Award for 1949[patay na link], PubMedCentral.nih.gov
  4. Ulysses Grant Dailey (1885-1961) Surgeon[patay na link], State of Florida's Task Force of African American History, Afroamfl.com
  5. Ulysses Grand Daily Naka-arkibo 2009-04-30 sa Wayback Machine., Died: 1961 AD, at 76 years of age, S9.com

Mga panlabas na kawing

baguhin