Unang Susog ng Saligang Batas ng Estados Unidos
Ang Unang Susog ng Saligang Batas ng Estados Unidos ay nagpipigil sa gobyerno ng Estados Unidos sa paggawa ng mga batas na nangangasiwa sa pagtatatag ng isang relihiyon o nagpipigil sa malayang pagsasanay ng relihiyon o nag-aalis sa kalayaan ng pagsasalita, kalayaan ng press(media), kalayaan ng pagpupulong o karapatan na himukin ang pamahalaan sa paglutas ng mga pagkasiphayo. Ito ay nilikha noong Disyembre 15, 1791 bilang isa sa mga 10 susog na bumubuo sa Katipunan ng mga Karapatan.
Ang Katipunan ng mga Karapatan ay isinulong upang papayapain ang pagtutol ng mga anti-pederalista sa ratipisayon ng Saligang Batas ng Estados Unidos. Sa simula, ang Unang Susog ay nilalapat lamang sa mga batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos at ang karamihan sa mga probisyon nito ay pinakahulugan sa mas makitid na paraan kesa sa kasalukuyang panahon.
Sa Everson v. Board of Education (1947), ang Korte Suprema ng Estados Unidos ay humango sa liham ni Thomas Jefferson na tumatawag para sa "isang pader ng paghihiwalay ng simbahan at estado" bagaman ang tiyak na hangganan nito ay nanatiling pinagtatalunan. Ang mga karapatan sa paagsasalita ay malawakang pinalawig sa mga sunod sunod na desisyon ng korte noong ika dalawampu at ikadalawampu't isang siglo na pumoprotekta sa iba't ibang anyo ng pagtatalumpating pampolitika, hindi kilalang mga pagsasalita, pagbibigay salapi sa kampanya, pornograpiya, at pagsasalita sa paaralan. Ang mga desisyong ito ay nagbibibigay ng mga sunod sunod na eksepsiyon sa mga proteksiyon ng Unang Sugo. Binaligtad ng Korte Suprema ng Estados Unidos ang naunaawang karaniwang batas ng Iglaters upang dagdagan ang tibay ng timbang sa mga demandang libelo at paninirang puri lalo na sa New York Times Co. v. Sullivan (1964). Gayunpaman, ang pagsasalita sa komersiyal(pinapakinabangan) ay hindi gaanong pinoprotektahan ng Unang Susog kesa sa pagsasalitang pampolitika at kaya ay sakop ng mas malaking regulasyon.