Piramide ni Djoser

(Idinirekta mula sa Unang piramide)

Ang Piramide ni Zoser, Tagilo ni Djoser o Tagilong Hakbang ay ang unang piramideng naitayo sa mundo. Dinisenyo ito ni Imhotep, ang manggagamot at punong ministro ni Haring Djoser (o Zoser) noong mga 2500 BK Matatagpuan ito sa Saqqara ng Ehipto at mayroong 200 mga talampakan ang taas. Naging pangunahing sangkap ng libingan ni Djoser ang piramideng hakbang na ito, isang libingang naglalaman din ng mga templo, mga galerya o tanghalan, mga bakuran ng korte, at mga silid na pangpananampalataya at pampagbibigay parangal sa namatay na hari. Ang salasalabat na pook na ito na may magkakaugnay na mga bahagi ang unang bantayog o monumentong yari lamang sa mga tisang putik. Tinawag itong Piramideng Hakbang sapagkat bumubuo ang mga gilid nito ng mga magkakasunod o serye ng dambuhalang mga hakbangan, hindi katulad ng mga sumunod na piramideng itinatag na mayroon ng makikinis na mga gilid.[1]

Ang Piramide ni Djoser.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Designed the First Pyramid?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 12.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.