Uncle Bob's Lucky 7 Club

(Idinirekta mula sa Uncle Bob's Lucky Seven Club)

Ang Uncle Bob's Lucky 7 Club, binabaybay ding Uncle Bob's Lucky Seven Club[1] ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas na sumahimpapawid sa GMA7 noong Nobyembre 4, 1961 hanggang Hulyo 11, 1992.

Historya

baguhin

Isa itong uri ng programang show and tell o "magpakita at magsabi" (o maglahad), kung saan nakapaglalarawan ang mga bata ng kanilang paboritong mga laruan sa madla at kay Robert Stewart, na mas kilala bilang "Uncle Bob", isa sa pinakaunang nakalikha ng kanais-nais na palabas na pambata sa Pilipinas. Noong dekada ng 1980, pumalit kay Stewart ang kanyang anak na lalaki. Isa sa mga kilalang eksena sa palabas ang pagbigkas ni Stewart ang pariralang "bum-barum-bum" o "pum-pa-rum-pum".[2][3]

Isa itong palabas na pambatang hindi naglalaman ng mga hindi naman kailangang mga gimik na pamproduksiyon, at may kapayakan. Kasama ni Uncle Bob sa palabas ang dalawang mga papet na pinangalanang Spanky at Pancho. Isa ang palabas na ito sa epitomo ng mga palabas na pambatang pinagmumulan ng kasiyahan noong mga unang taon ng pagbobrodkast na pantelebisyon.[3][4]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. UNCLE BOB'S TV SHOW, senorenrique.blogspot.com, 9 Nobyembre 2007.
  2. 12. Uncle Bob's Lucky Seven Club Naka-arkibo 2008-12-21 sa Wayback Machine., martiallawbabies.com
  3. 3.0 3.1 Uncle Bob's Lucky 7 Club, facebook.com
  4. Memories of Uncle Bob and The Lucky 7 Club, nostalgiamanila.blogspot.com

Mga kawing panlabas

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.