Unibersidad ng Aberdeen

Ang Unibersidad ng Aberdeen (Ingles: University of Aberdeen) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Aberdeen, Scotland. Ito ay isang sinaunang unibersidad na itinatag sa 1495 nang pinetisyon ni William Elphinstone, Obispo ng Aberdeen si Papa Alejandro VI sa ngalan ng James IV, Hari ng Scots upang itatag ang King's College,[1] kaya't ito ang itinuturing na ikatlong pinakamatandang unibersidad sa Scotland at ang ikalima sa mundo ng mga nagsasalita ng wikang Ingles. Ang modernong unibersidad ngayon ay nabuo noong 1860 sa pamamagitan ng pagsama-sama ng King's College at Marischal College, ang pangalawang unibersidad na itinatag noong 1593 bilang ang Protestanteng alternatibo sa una. Ngayon, ang Aberdeen ay palaging niraranggo bilang isa sa mga nangungunang 200 unibersidad sa mundo[2] at isa sa dalawang unibersidad sa lungsod, ang isa pa ay ang Pamantasang Robert Gordon (Ingles: Robert Gordon University).

Harap ng Aklatang Sir Duncan Rice sa King's College campus

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bulloch, John Malcolm (1895). A History of the University of Aberdeen: 1495-1895. London: Hodder and Stoughton. pp. 18–19. Nakuha noong 2012-12-20.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "University of Aberdeen Rankings". Quacquarelli Symonds. Nakuha noong 2015-09-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

57°09′54″N 2°06′00″W / 57.165°N 2.1°W / 57.165; -2.1   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.