Unibersidad ng Augsburg

Ang Unibersidad ng Augsburg (Aleman: Universität Augsburg) ay isang unibersidad na matatagpuan sa seksyong Universitätsviertel ng Augsburg, Alemanya. Itinatag ito noong 1970 at isinaayos sa 8 fakultad.

Kampus

Ang Unibersidad ng Augsburg ay isang relatibong batang unibersidad na may tinatayang. 18,000 mag-aaral noong Oktubre 2012. Halos 14% ng mga mag-aaral nito ay nagmula sa mga dayuhang bansa, mas malaking porsyento kung ihahambing sa ibang mga unibersidad sa Alemanya.

Noong Oktubre 2011, si Sabine Doering Manteuffel ay humalili kay Alois Loidl bilang rector ng unibersidad. Siya ang unang babaeng rector ng isang unibersidad na Bavarian.

48°20′02″N 10°53′54″E / 48.3339°N 10.8983°E / 48.3339; 10.8983 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.