Unibersidad ng Bahrain

Ang Unibersidad ng Bahrain (Arabe: جامعة البحرين‎; Ingles: University of Bahrain, impormal na Bahrain University, dinadaglat  bilang UoB) ay ang pinakamalaking pampublikong unibersidad sa Kaharian ng Bahrain. Ito ay ang tanging pambansang unibersidad sa bansa. May mga kampus ito sa Sakhir, Madinat 'Isa at Manama. Ang unibersidad ay may higit sa 20,000 rehistradong mag-aaral at higit sa 2000 miyembro ng kawani.[1]

Ang pasukan sa Sakhir campus.
Ang mga mag-aaral sa unibersidad.

Ang unibersidad ay miyembro ng International Association of Universities at  Islamic Educational, Scientific and Cultural Organization.

Ang Unibersidad ng Bahrain ay itinatag noong 1986 sa pamamagitan ng Amiri Decree No. 12 /1986. Ang atas ay nagresulta sa pagsasama-sama ng dalawang pampublikong kolehiyo; ang Gulf Polytechnic (itinatag noong 1968) at University College of Arts, Science and Education (itinatag noong 1979).[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Fast Facts". University of Bahrain. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hulyo 2015. Nakuha noong 30 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Peck 2007, p. 86.

26°03′N 50°31′E / 26.05°N 50.51°E / 26.05; 50.51   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.