Unibersidad ng Bath

Ang Unibersidad ng Bath (Ingles: University of Bath) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa lungsod ng Bath, Somerset, United Kingdom. Ito ay nakatanggap ng royal charter noong 1966, kasama ang ilan pang mga institusyon kasunod ng pagpapalabas ng Robbins Report. Tulad ng sa Unibersidad ng Bristol at University of the West of England, ang kasaysayan ng Bath ay maaaring maiugat sa Merchant Venturers Navigation School, na itinatag sa Bristol noong 1595. Ang university main campus ay matatagpuan sa Claverton Down, isang sayt kung saan matatanaw ang lungsod ng Bath, itinayo simula 1964 sa istilong modernista ng panahong iyon.

School of architecture and building engineering

Ang unibersidad ay isang miyembro ng Association of Commonwealth Universities, Association of MBAs, European Quality Improvement System, European University Association, Universities UK, at GW4.

51°22′47″N 2°19′41″W / 51.3796°N 2.328°W / 51.3796; -2.328 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.