Unibersidad ng Botswana
Ang Unibersidad ng Botswana, o UB ay itinatag noong 1982 bilang ang unang institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Botswana. Ang unibersidad ay may apat na mga kampus: dalawang sa kabiserang lungsod ng Gaborone, isa sa Francistown, at isa pa sa Maun. Ang unibersidad ay nahahati sa anim na mga fakultad: Negosyo, Edukasyon, Engineering, Humanidades, Agham at Agham Panlipunan.
University of Botswana | |
---|---|
Sawikain | Thuto Ke Thebe (Setswana)[1] |
Sawikain sa Ingles | Education is a Shield[1] |
Itinatag noong | 1982 |
Uri | Public university |
Endowment | P334 million(US $50million) |
Kansilyer | Ketumile Masire |
Pangalawang Kansilyer | Thabo Fako |
Administratibong kawani | 2,658 |
Mag-aaral | 15,484 |
Mga undergradweyt | 14,093 |
Posgradwayt | 1,445 |
Lokasyon | , |
Kampus | Urban, 1.15 square kilometre (280 akre) |
Kulay | Brown and blue |
Maskot | Bull (steer) |
Websayt | www.ub.bw |
Ang UB ay nagsimula bilang bahagi ng isang mas malaking sistema ng unibersidad na kilala bilang UBBS, o ang University of Bechuanaland (Botswana), Basotoland (Lesotho), at Swaziland; na itinatag noong 1964 upang mabawasan ang pagdepende ng tatlong edukasyong tersiyaryo sa panahong-aparteid na Timog Africa. Matapos maging mga malayang bansa ang Botswana at Lesotho noong 1966, ang unibersidad ay tinawag na ang University of Botswana, Lesotho, at Swaziland (UBLS).
Galeriya
baguhin-
Ang kaibahan sa luma (foreground) at bagong UB (background)
-
Admin building
-
Residence hall
-
Isang laro ng futbol sa loob ng kampus
-
Gusali ng Fakultad ng Negosyo
-
Gusali ng Environmental Science
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Facts and Figures". Nakuha noong 2014-07-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
24°40′S 25°56′E / 24.67°S 25.93°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.