Unibersidad ng British Columbia

Ang Unibersidad ng British Columbia (UBC) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na may kampus at pasilidad sa lalawigan ng British Columbia, Canada. Itinatag noong 1908 bilang ang Kolehiyo ng British Columbia ng Pamantasang McGill, ang unibersidad ay naging malaya at pinagtibay ang kasalukuyang pangalan nito noong 1915. Ito ang pinakamatandang institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa British Columbia at may higit sa 60,000 mag-aaral sa mga kampus sa Vancouver at Okanagan Valley.[1] Karamihan sa mga mag-aaral ay nakatala sa limang mas malaking fakultad: Sining, Agham, Aplikadong Agham, Fakultad ng Medisina at ang Sauder School of Business. Ang UBC ay may sukay na 4.02 square kilometre (993 akre) sa Vancouver campus na nasa loob ng University Endowment Lands 10 kilometro (6 mi) sa kanluran ng Downtown Vancouver.[2] Ang 2.09 square kilometre (516 akre) na Okanagan campus, nakuha noong 2005, ay nasa Kelowna.

Ang Irving K. Barber Library at Ladner Clock Tower

Ayon sa taunang ranggo ng Maclean's at US News and World Report, ang unibersidad ay konsistent na nararanggo na kabilang sa tatlong nangungunang unibersidad sa pananaliksik sa buong bansa.[3] Noong 2015, niranggo ng US News and World Report at Times Higher Education ang UBC bilang isa sa 20 pinakamahusay na mga pampublikong unibersidad sa buong mundo.[4][5] Meron itong taunang badyet sa pananaliksik na nagkakahalaga ng $600 milyon. Ang mga guro, gradweyt, at mananaliksik ay nakatanggap ng pitong Nobel Prize, 69 Rhodes Scholarship, 65 medalyang Olimpiko, 8 kasapian sa American Academy of Arts & Sciences at 208 fellowships sa Royal Society of Canada.

Mga sanggunian

baguhin
  1. UBC Facts and Figures Naka-arkibo April 20, 2016, sa Wayback Machine.. Publicaffairs.ubc.ca. Retrieved on 2014-07-14.
  2. "UBC Facts & Figures (2009/2010)". University of British Columbia. Nakuha noong 18 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dehaas, Josh. "Average entering grade now 85%". Macleans.ca. Nakuha noong 3 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Best Global Universities Rankings". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-04. Nakuha noong 2016-02-17. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "World University Rankings 2015-2016". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-31. Nakuha noong 2016-02-17. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

49°15′53″N 123°15′10″W / 49.2647°N 123.2528°W / 49.2647; -123.2528