Unibersidad ng Buenos Aires
Ang Unibersidad ng Buenos Aires (Kastila: Universidad de Buenos Aires, UBA; Ingles: University of Buenos Aires) ay ang pinakamalaking unibersidad sa Arhentina at ang ikalawang pinakamalaking unibersidad ayon sa pagpapatala sa buong Latin America. Itinatag noong Agosto 12, 1821 sa lungsod ng Buenos Aires, ito ay binubuo ng 13 kagawaran, 6 ospital, mga 10 museo at nakaugnay sa 4 na hayskul.
University of Buenos Aires | |
---|---|
Universidad de Buenos Aires | |
Sawikain | Argentum virtus robur et studium (Latin) |
Sawikain sa Ingles | Argentine virtue is strength and study |
Itinatag noong | 1821 |
Uri | Public |
Badyet | US$700,000,000 (2015)[1] |
Rektor | Dr. Alberto Barbieri |
Academikong kawani | 28,943 (2004)[2] |
Mag-aaral | 311,175 (2004)[3] |
Mga undergradweyt | 297,639 (2004) |
Posgradwayt | 13,536 (2004) |
Lokasyon | , |
Kampus | Urban |
Kulay | |
Websayt | www.uba.ar |
Ang UBA ay walang pangunahing campus. Ang kampus Ciudad Universitaria (sa literal, "lungsod ng unibersidad") ay itinatag noong 1960, ngunit naglalaman lamang ng dalawang paaralan, habang ang iba't ibang mga paaralan ng pamantasan ay matatagpuan sa iba't ibang lokasyon sa lungsod ng Buenos Aires.
Ang unibersidad ay nakapagprodyus ng apat na Nobel Prize laureates, isa sa may pinakamarami sa mundong Latino. Ayon sa QS World University Rankings (2015/16) ang Unibersidad ng Buenos Aires ay ika-124 sa mundo at, ayon Top Universities, ito ang ika-46 pinakamahusay na unibersidad sa mundo kung isasaalang-alang ang reputasyon nito sa mga tagapag-empleyo.[4]
Gallery
baguhin-
Paaralan ng Eksakto at Natural na Agham
-
Paaralan ng Batas
-
Paaralan ng Agham Ekonomiko
-
Paaralan ng Arkitektura, Disenyo at Pagpaplano
-
Paaralan ng Agham Panlipunan
-
Paaralan ng Medisina
-
Paaralan ng Sikolohiya
-
Paaralan ng Inhinyeriya, sangay ng Paseo Colón
-
Paaralan ng Inhinyeriya, sangay ng Las Heras