Unibersidad ng Cardiff
Ang <Unibersidad ng Cardiff (Ingles: Cardiff University, Gales: Prifysgol Caerdydd) ay isang pampublikong unibersidad para sa pananaliksik sa Cardiff, Wales, United Kingdom. Itinatag noong 1883 bilang University College of South Wales and Monmouthshire, ito ay naging isa sa mga tagapagtatag na kolehiyo ng hindi na ngayon umiiral na Unibersidad ng Wales (Ingles: University of Wales) noong 1893, at noong 1997 natanggap ang kapangyarihan nitong maggawad ng mga digri. Isinanib dito ang University of Wales Institute of Science and Technology (UWIST) noong 1988. Binago ang pangalan ng kolehiyo bilang Cardiff University noong 1999, at noong 2005 ito ay naging legal nitong pangalan. Ito ay ang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa Wales. Ang unibersidad ay binubuo ng tatlong mga kolehiyo: Sining, Humanidades at Agham Panlipunan; Biomedikal at Agham-Buhay; at Pisikal na Agham at Inhinyeriya.
Buildings of Cardiff University |
---|
|
51°29′15″N 3°10′42″W / 51.487433°N 3.178231°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.