Unibersidad ng Cologne
Ang Unibersidad ng Cologne (Ingles: University of Cologne, Aleman: Universität zu Köln) ay isang unibersidad sa Cologne, Alemanya. Ito ay ang ikaanim na unibersidad na itinatag sa Gitnang Europa[1] at, kahit na ito ay sinarado noong 1798 bago muling itinatag noong 1919, ito ngayon ay isa sa pinakamalaking unibersidad sa Alemanya na may higit sa 48,000 mag-aaral. Ang Unibersidad ng Cologne ay isang German Excellence University, at noong 2017 ito ay may ranggong ika-145 sa buong mundo ayon sa Times Higher Education.[2]
Ang Unibersidad ay isang lider sa larangan ng ekonomiks at regular na nakalagay sa tuktok na posisyon para sa batas at negosyo, sa mga ranggong nasyonal at internasyonal.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Prague (1348), Kraków (1364), Vienna (1365), Pécs (1367), Heidelberg (1386), Cologne (1388)
- ↑ "About University of Cologne".
50°55′41″N 6°55′43″E / 50.928055555556°N 6.9286111111111°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.