Unibersidad ng Copenhagen

Ang Unibersidad ng Copenhagen (UCPH) (Danes: Københavns Universitet; Ingles: University of Copenhagen) ay ang pinakamatandang unibersidad at institusyon ng pananaliksik sa Dinamarka. Itinatag noong 1479 bilang isang studium generale, ito ay ang ikalawang pinakamatandang institusyon para sa mas mataas na edukasyon sa Scandinavia pagkatapos ng Uppsala University (1477). Ang unibersidad ay may 23,473 undergraduate na mag-aaral, 17,398 postgraduate na mga mag-aaral, 2,968 mag-aaral sa doktoral na antas at higit sa 9,000 empleyado. Ang university ay may apat na mga kampus na matatagpuan sa sa palibot ng Copenhagen, na may punong-himpilan na matatagpuan sa sentro ng lungsod. Karamihan sa mga kurso ay itinuturo sa wikang Danes; gayunpaman, maraming mga kurso ay nasa wikang ingles at mangilan-ngilan sa Aleman. Ang unibersidad ay may ilang libong mga banyagang mag-aaral, at ang kalahati sa mga ito ay nagmula sa mga bansang Nordiko.

Unibersidad ng Copenhagen
Københavns Universitet
Latin: Universitas Hafniensis
SawikainCoelestem adspicit lucem (Latin)
Sawikain sa InglesIt (the eagle) beholds the celestial light
Itinatag noong1479
UriPublic university
BadyetDKK 8,305,886,000 ($1.5 Billion) (2013)[1]
RektorRalf Hemmingsen
Academikong kawani4.823 (2013)[2]
Administratibong kawani4.382 (2013)[2]
Mag-aaral40,866 (2013) [3]
Mga undergradweyt23.473 (2013) [3]
Posgradwayt17,393 (2013) [3]
Mga mag-aaral na doktorado2.968 (2013) [4]
Lokasyon,
Denmark Denmark
KampusCity Campus,
North Campus,
South Campus and
Frederiksberg Campus
ApilasyonIARU, EUA
Websaytwww.ku.dk

Ang unibersidad ay miyembro ng I International Alliance of Research Universities (IARU), kasama ang Unibersidad ng Cambridge, Pamantasang Yale, Australian National University, at UC Berkeley, at iba ba. Noong 2016, niranggo ng Academic Ranking of World Universities ang Unibersidad ng Copenhagen bilang ang pinakamahusay na unibersidad sa Scandinavia at ika-30 sa mundo, sa 2016-2017 Times Higher Education World University Rankings ay ika-120 sa mundo, at sa 2016-2017 QS World University Rankings ay ika-68 sa mundo. Walong alumni ng unibersidad ay nagwagi ng Gawad Nobel[5] at isa naman ang nagwagi ng Gawad Turing.[6]

Mga fakultad

baguhin

Ang Unibersidad ng Copenhagen sa kasalukuyan ay may anim na mga fakultad:

  • Faculty of Health and Medical Sciences 
  • Faculty of Humanities 
  • Faculty of Law 
  • Faculty of Science 
  • Faculty of Social Sciences 
  • Faculty of Theology

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Facts and figures – University of Copenhagen". University of Copenhagen. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Enero 2017. Nakuha noong 16 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Personale". University of Copenhagen. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2017. Nakuha noong 16 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Studerende". University of Copenhagen. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Nobyembre 2014. Nakuha noong 16 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Forskning og formidling". University of Copenhagen. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2017. Nakuha noong 16 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Nobel laureates". University of Copenhagen. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Enero 2015. Nakuha noong 16 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Peter Naur - A.M. Turing Award Winner". Nakuha noong 27 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)