Unibersidad ng Durham

Ang Unibersidad ng Durham (Ingles: Durham University, legal na University of Durham)[1] ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Durham, Inglatera, na may pangalawang kampus sa Stockton-on-Tees. Ito ay itinatag sa pamamagitan ng isang Batas ng Parlamento noong 1832 at nabigyan ng isang Royal Charter noong 1837. Ito ay isa sa mga unang unibersidad na nag-umpisa ng matrikulasyon sa Inglatera sa higit 600 taon at madalas inilalarawan bilang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa Inglatera.[2][3] Ang Durham University estate ay kinabibilangan ng 63 nakalistang gusali, mula sa ika-11 siglong Durham Castle hanggang sa 1930s Art Deco chapel. Ang unibersidad din ang nagmamay-ari at namamahala sa Durham World Heritage Site sa pakikipagsosyo sa Durham Cathedral.[4]

Durham Castle, kung saan naroon ang University College, ito ang pinakalumang pinirahang gusali ng unibersidad sa mundo

Ang kasalukuyang at emeritus na akademiko ay kinabibilangan ng 14 Fellows ng Royal Society, 17 Fellows ng British Academy, 14 Fellows ng Academy of Social Sciences, 5 Fellows ng Royal Society of Edinburgh, 2 Fellows ng Royal Society of Arts at 2 Fellows ng Academy of Medical Sciences. Ang mga nagtatapos sa Durham nagtapos ay gumagamit ng Latin post-nominal na Dunelm pagkatapos ng kanilang mga degree, mula sa Dunelmensis (ibig sabihin ay pagmamay-ari, o mula sa Durham).

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The University: Trading Name – Durham University". Dur.ac.uk. 8 Abril 2011. Nakuha noong 1 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Asthana, Anushka; Sherman, Jill (9 Disyembre 2010). "Profile: Durham University". The Sunday Times. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2011. Nakuha noong 15 Setyembre 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Reference to UCL as third oldest university in England". London: Independent.co.uk. 31 Mayo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2020. Nakuha noong 16 Agosto 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Site Boundaries: An Evolving Definition of Heritage". Durham World Heritage Site. Nakuha noong 4 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

54°46′30″N 1°34′30″W / 54.775°N 1.575°W / 54.775; -1.575   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.