Unibersidad ng Glasgow
Ang Unibersidad ng Glasgow (Gaelico Escoces: Oilthigh Ghlaschu, Latin: Universitas Glasguensis; Ingles: University of Glasgow) (dinaglat bilang Glas. sa post-nominals) ay ang ikaapat na pinakamatandang unibersidad sa mundo ng wikang Ingles at isa sa apat na sinaunang mga uniberidad ng Scotland. Ito ay itinatag sa 1451. Kasama ang Unibersidad ng Edinburgh, ang Unibersidad ay bahagi ng Scottish Enlightenment sa panahon ng ika-18 siglo. Ito ay kasalukuyang miyembro ng Universitas 21, ang internasyonal na network ng mga unibersidad sa pananaliksik, at ng Russell Group.
Karaniwan sa mga unibersidad ng pre-modernong panahon, orihinal na nagsilbi ang Glasgow sa mga mag-aaral na mula sa mga mayayamang pamilya, gayunpaman ito ay naging isang tagapanguna sa mas mataas na edukasyon noong ika-19 siglo sa pamamagitan din ng pagbibigay ng pangangailangan ng mga mag-aaral mula sa lumalagong mga lungsod o bayan at komersyal na gitnang uri. Nagsilbi ang Unibersidad sa lahat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paghahanda sa mga ito para sa mga propesyon: batas, medisina, serbisyo sibil, pagtuturo, at simbahan. Ito rin ay nagsanay sa mas maliit ngunit lumalaking numero para sa mga karera sa agham at pag-iinhinyero.[1]
Orihinal na matatagpuan sa High Street ng lungsod, mula noong 1870 ang pangunahing kampus ng Unibersidad ay matatagpuan sa Gilmorehill sa West End ng lungsod.[2] Bukod pa rito, may mga gusali ang unibersidad na matatagpuan sa ibang lugar, tulad ng Paaralan sa Pagbebeterinaryo sa Bearsden, at Crichton Campus sa Dumfries.[3]
Ang alumni o dating kawani ng Unibersidad ay kinabibilangan ng pilosopong si Francis Hutcheson, inhinyerong si James Watt, pilosopo at ekonomistang si Adam Smith, pisisistang si Lord Kelvin, siruhanong si Joseph Lister, 1st Baron Lister, pitong Nobel laureates, at dalawang Punong Ministro ng United Kingdom.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Paul L. Robertson, "The Development of an Urban University: Glasgow, 1860–1914," History of Education Quarterly, Winter 1990, Vol. 30#1 pp 47–78
- ↑ "University of Glasgow :: About us :: maps and travel". Nakuha noong 9 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Building Knowledge - An Architectural History of the University of Glasgow" published by Historic Scotland in association with the University (2013)