Unibersidad ng Grenoble

Ang Université Grenoble Alpes (UGA) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Grenoble, Pransiya. Itinatag noong 1339, ito ay ang ikatlong pinakamalaking unibersidad sa bansa na may humigit-kumulang 45,000 mag-aaral at higit sa 3,000  mananaliksik.

Pangunahing kampus sa Saint-Martin-d'Hères

Itinatag bilang ang Unibersidad ng Grenoble (Université de Grenoble) ni Humbert II ng Viennois, ito ay nahati noong 1971 kasunod ng mga pangyayari noong Mayo 1968. Tatlong sa mga anak na institusyon ng Unibersidad—Pamantasang Joseph Fourier (Université Joseph Fourier), Pamantasang Pierre Mendès-France (Université Pierre Mendès France), at Pamantasang Stendhal (Université Stendhal)—nagsanib muli noong 2016 upang ibalik ang orihinal na institusyon. Meron ding mga pasilidad ang unibersidad sa mga lungsod ng Valence, Chambéry, Les Houches, Villar-d'Arêne, Mirabel, Échirolles, at La Tronche.[1][2]

Ang lungsod ng Grenoble ay isa sa mga pinakamalaking sentrong pang-agham sa Europa,[3][4] na nagtataglay ng mga pasilidad ng bawat umiiral na mga pampublikong institusyon ng pananaliksik sa Pransya. Ito ay nagbibigay-daan sa UGA upang magkaroon ng daan-daang mga alyansa sa pananaliksik at pagtuturo, kabilang na ang kolaborasyon kasama ang National Centre for Scientific Research (CNRS) at Alternative Energies and Atomic Energy Commission (CEA)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "ComUE - Les chiffres-clés de la Communauté Université Grenoble Alpes". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-01. Nakuha noong 2018-04-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Oppportunities".
  3. https://www.researchgate.net/profile/Mark_Esposito/publication/237009624_The_Grenoble_Cluster_of_Minalogic_France%27s_most_competitive_pole/links/0deec51ae1679903de000000.pdf
  4. "Virgile Adam, PhD".

45°11′35″N 5°46′01″E / 45.1931°N 5.7669°E / 45.1931; 5.7669   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.