Unibersidad ng Hilagang Carolina, Chapel Hill
Ang Unibersidad ng Hilagang Karolina sa Chapel Hill (Ingles: University of North Carolina at Chapel Hill) ay isang prestihiyosong Pamantasan sa pananaliksik na matatagpuan sa Chapel Hill, estado ng Hilagang Carolina, Estados Unidos.
Matapos mabigyan ng tsarter noong 1789, nagsimulang tumanggap ang UNC ng mga estudyante noong 1795, na siyang dahilan kaya't meron itong pag-angkin bilang ang pinakamatandang pampublikong unibersidad sa Estados Unidos. Ang UNC ay isa rin sa mga orihinal na tinuturing na mga paaralang Public Ivy. Naghahain ang pamantasan ng iba't ibang digri sa 70 erya ng pag-aaral sa pamamagitan ng 14 kolehiyo at ng Kolehiyo ng Mga Sining at Agham.
35°54′31″N 79°02′57″W / 35.9086°N 79.0492°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.