Unibersidad ng Idaho
Ang Unibersidad ng Idaho (opisyal na dinaglat na UI, lokal na tinutukoy sa tawag na "U of I") ay ang pinakamatandang pampublikong unibersidad sa estado ng Idaho sa Estados Unidos, na matatagpuan sa lungsod ng Moscow sa Latah County sa hilagang bahagi ng estado. Ito ay ang land-grant at pangunahing unibersidad sa pananaliksik sa buong Idaho. Ang Unibersidad ng Idaho ay ang nag-iisang kolehiyo sa sa loob ng 71 taon, hanggang sa 1963, at ang mga Kolehiyo ng Batas nito, na itinatag noong 1909, ay unang naakredit ang American Bar Association noong 1925, at isa sa dalawang kinikilalang paaralan sa batas sa estado ng Idaho.[1]
Nabuo sa pamamagitan ng mga mambabatas ng Idaho Territory noong Enero 30, 1889, ang unibersidad ay binuksan sa publiko noong Oktubre 3, na may isang paunang klase ng 40 mga mag-aaral. Ang unibersidad ay nag-aalok ng 142 digring programa, mula sa pagtutuos, hanggang wildlife resources at marami pang iba, kabilang ang mga programa sa antas batsilyer, masterado, at doktorado.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Roberts, Bill, "Boise’s Concordia law school wins provisional accreditation," Idaho Statesman, 8 June 2015.
46°43′33″N 117°00′38″W / 46.7258°N 117.0106°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.