Unibersidad ng Insubria
Ang Unibersidad ng Insubria (Italyano: Università degli Studi dell'Insubria) ay isang unibersidad sa Italya na matatagpuan sa mga lungsod nf Como at Varese, na may pangalawang lokasyon sa Busto Arsizio at Saronno . Itinatag ito noong 1998, ipinangalan ito sa lugar kung saan ito matatagpuan, ang makasaysayang heograpiyang rehiyon ng Insubria .
Ayon sa pagraranggo na ginawa ng Il Sole 24 Ore noong 2011, inilalagay ng Unibersidad ng Insubria sa ika-16 pwesto sa lahat ng 58 unibersidad na suportado ng estado; pangatlo sa rehiyon ng Lombardy matapos ang Politecnico di Milano at Unibersidad ng Pavia.