Unibersidad ng Kanlurang Virginia
Ang Unibersidad ng Kanlurang Virginia (Ingles: West Virginia University), mas kilala bilang WVU, ay isang pampubliko, land-grant at space-grant na unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Morgantown, estado ng Kanlurang Virginia, Estados Unidos. Bukod dito, meron ding kampus ang unibersidad gaya ng West Virginia University Institute of Technology sa Montgomery at Potomac State College sa Keyser; at isang pangalawang klinikal na kampus para sa paaralang medikal at dental na nasa Charleston Area Medical Center sa Charleston. Meron ding WVU Extension Service na may tanggapan sa lahat ng 55 county ng Kanlurang Virginia. Mula pa noong 2001, ang WVU ay pinamamahalaan isang Lupon ng Mga Gobernador.[1]
Ang WVU ay nakapagprodyus ng 24 Rhodes Scholars, kabilang ang mga dating pangulo ng WVU na si David C. Hardesty, Jr.[2] Ang Unibersidad ay nakapagprodyus din ng 36 Goldwater Scholars, 22 Truman Scholars, at limang mga miyembro ng "All‑USA College Academic First Team." ng USA Today's."[2]
Erya ng pag-aaral
baguhinAng agham porensiko at agham imbestigatibo ay mga programa ng WVU na kinikilala sa buong bansa, na orihinal na nilikha sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ng Federal Bureau of Investigation. Ang programa ay kinikilala ng American Academy of Forensic Science at ang opisyal na repositoryo ng International Association for Identification.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "WVU.edu: Board of Governors – "Powers & Duties"" Naka-arkibo 2007-06-01 sa Wayback Machine..
- ↑ 2.0 2.1 "About WVU".
39°38′09″N 79°57′16″W / 39.6358°N 79.9545°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.