Unibersidad ng Kiel
Ang Unibersidad ng Kiel (sa Ingles: Kiel University, sa Aleman: Christian-Albrechts-Universitat zu Kiel o CAU) ay isang pamantasan sa lungsod ng Kiel, Alemanya. Ito ay itinatag noong 1665 bilang ang Academia Holsatorum Chiloniensis ni Christian Albert, Duke ng Holstein-Gottorp at may humigit-kumulang sa 26,000 mag-aaral ngayon. Ang unibersidad ay ang pinakamalaki, pinakamatanda at pinakaprestihiyoso sa estado ng Schleswig-Holstein. Ang mga guro, nagtapos, at mananaliksik ng unibersidad ay nagwagi ng 12 gantimpalang Nobel. Ang Kiel ay miyembro ng German Universities Excellence Initiative (Pangunguna sa Kahusayan ng mga Pamantasan sa Alemanya) mula noong 2006. Ang The Future Ocean (Ang Hinaraharap ng Karagatan), na itinatag sa pakikipagtulungan ng GEOMAR Helmholtz Centre for Ocean Research Kiel (Sentro ng GEOMAR Helmhlotz para sa Pananaliksik ng Karagatan) noong 2006, ay kinikilala sa buong mundo. Ang tanyag din sa mundong Kiel Institute for the World Economy ay konektado rin sa unibersidad.
54°20′20″N 10°07′21″E / 54.338888888889°N 10.1225°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.