Unibersidad ng Kufa
Ang Unibersidad ng Kufa (Ingles: University of Kufa) ay isang unibersidad ng Iraq na matatagpuan sa Najaf, Iraq. Ito ay itinatag noong 1987 at binubuo ng 21 fakultad. Ang Faculty of Medicine ay itinatag isang dekadang mas maaga at unang nakasanib sa Pamantasang Mustansiriya. Noong 1989, itinatag ang Faculty of Arts na may dalawang departamento lamang: ang Kagawaran ng Wikang Arabe at Kagawaran ng Kasaysayan. Noong 1991, isinara ng rehimen ni Saddam Hussein ang Unibersidad matapos ang isang pag-aalsa noong Marso 1991, subalit dalawang taon ang lumipas ay muling binuksan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.