Unibersidad ng Kyushu

Ang Unibersidad ng Kyushu (九州大学, Kyūshū Daigaku) (九州大学 Kyūshū Daigaku?) (九州大学 Kyūshū Daigaku?), dinadaglat na Kyudai (九大, Kyūdai) (九大 Kyūdai?), ay pambansang pamantasang Hapones na matatagpuan sa Fukuoka, sa isla ng Kyushu. Ito ay ang ika-4 na pinakamatandang unibersidad sa Hapon at isa sa mga dating pamantasang imperyal. Ito ay itinuturing na isa sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad sa Hapon. Ang kasaysayan ng Unibersidad ng Kyushu ay maaaring maiugat sa itinatag na paaralang medikal ng dominyong feudal noong 1867. Ito ang pinakamalaking pampublikong unibersidad sa Kyushu.

Dating pangunahing gusali ng School of Engineering, Hakozaki Campus

Mayroong higit sa 2,000 banyagang mag-aaral (sa taong 2016) na nakatala sa Unibersidad. Ito ay pinili upang lumahok sa Global 30 university program, at kabilang sa top 13 ng global university project.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Selection for the FY 2014 Top Global University Project" (PDF). MEXT.

33°35′45″N 130°13′04″E / 33.59572°N 130.21778°E / 33.59572; 130.21778   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.