Unibersidad ng Münster
Ang Unibersidad ng Münster (Aleman: Westfälische Wilhelms-Universität Münster, WWU, Ingles: University of Münster) ay isang pampublikong pamantasan na matatagpuan sa lungsod ng Münster, North Rhine-Westphalia sa Alemanya.
Merong higit sa 43,000 mag-aaral at higit sa 120 disiplina ng pag-aaral sa 15 mga kagawaran, ito ay ang ikalimang pinakamalaking unibersidad sa Alemanya at isa sa mga nangungunang sentro ng intelektwal na buhay ng mga Aleman. Ang uunibersidad ay nag-aalok ng isang malawak na hanay ng mga paksa sa agham, agham panlipunan at humanidades. Ilan sa mga kurso rito ay itinuro rin sa wikang ingles, kabilang ang mga programang PhD at kursong postgradwado sa geoinformatics at geospational technology.
Ilan sa mga propesor at nagtapos sa unibersidad na nanalo ng sampung Leibniz Prize, ang pinakaprestihiyoso pati na na rin ang may pinakamataas na pondo sa Europa, at isang Fields Medal.
51°57′50″N 7°36′47″E / 51.964°N 7.613°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.