Unibersidad ng Malawi
Ang Unibersidad ng Malawi ay isang institusyong edukasyonal na itinatag noong 1965 at binubuo ng limang mga kasamang kolehiyo na matatagpuan sa mga lungsod ng Zomba, Blantyre, at Lilongwe. Sa limang mga kolehiyo, ang pinakamalaki ay ang Chancellor College sa Zomba. Ang pangalan ng paaralan ay dinadaglat bilang UNIMA. Ito ay bahagi ng sistema ng pampamahalaang edukasyon ng Malawi. Ipinagdiwang ng UNIMA ang golden jubilee nito noong Setyembre 2015.[1]
University of Malawi | |
---|---|
Itinatag noong | 1964 |
Pangalawang Kansilyer | Professor John Saka |
Lokasyon | , |
Kampus | Urban |
Websayt | www.unima.mw |
Ang unibersidad ay ang sentro ng kaalaman, pag-unlad ng mga kasanayan, mga ideya at saloobin para sa pag-unlad ng Malawi.[2]
Mga kolehiyo
baguhin- Bunda College, (Lilongwe)
- Chancellor College, (Zomba)
- College of Medicine, (Blantyre)
- Kamuzu College of Nursing, (Lilongwe),
- Malawi Polytechnic, (Blantyre)
Pagpapatala
baguhinAng Unibersidad ng Malawi ay may 6,257 full-time na mag-aaral noong 2007. Sa bilang na ito, 6226 ay mamamayan ng Malawi, 26 ay mula sa mga bansang SADC at 5 ay mula sa iba pang bansa.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "The University of Malawi Celebrates Golden Jubilee". Australia Africa Universities Network. 14 Oktubre 2015. Nakuha noong 3 Pebrero 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fred Gennings Wanyavinkhumbo Msiska1. "The Brain Drain-Gain, Quality of Higher Education and Development in Malawi" (PDF). National University of Ireland, Galway. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-07-21. Nakuha noong 2011-03-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
15°22′45″S 35°19′32″E / 15.3791°S 35.32563°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.