Unibersidad ng Manchester
Ang Unibersidad ng Manchester (Ingles: University of Manchester) ay isang pampublikong unibersidad para sa pananaliksik sa Manchester, Inglatera, na nabuo noong 2004 sa pamamagitan ng pagsasanib ng University of Manchester Institute of Science and Technology at ang Victoria University of Manchester.[1][2] Ang Unibersidad ng Manchester ay isang red brick university, isang produkto ng ang kilusan para sa pansibikong mga unibersidad sa huling bahagi ng ika-19 siglo.
Noong 2016-17, ang Unibersidad ng Manchester ay niranggo bilang ika-55 sa mundo at ika-8 sa UK ayon sa Times Higher Education World University Rankings, ika-34 sa mundo at ika-7 sa UK ayon sa QS World University Rankings, ika-35 sa mundo at ika-5 sa UK ayon sa Academic Ranking of World Universities at ika-59 sa mundo ayon sa US News and World Report. Noong 2014 Research Assessment Exercise, ang Manchester ay pinangalanan bilang ika-17 pinakamahusay na institusyon ng pananaliksik sa United Kingdom.[3]
Ang unibersidad ay nagmamay-ari at nagpapatakbo ng mga pangunahing kultural na mga ari-arian tulad ng Manchester Museum, Whitworth Art Gallery, John Rylands Library at Jodrell Bank Observatory.[4]
Ang unibersidad ay merong 25 Nobel laureates galing sa mga nakaraan at kasalukuyang mag-aaral at kawani, ang ika-apat na pinakamataas na bilang sa anumang unibersidad sa United Kingdom. Apat na Nobel laureates ay kasalukuyang kabilang sa mga kawani nito – higit na mas marami kesa sa ibang unibersidad sa bansa.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "History of the University of Manchester Institute of Science and Technology".
- ↑ Encyclopædia Britannica (15th edn) vol.7 p.760 and vol.23, p.462.
- ↑ "Research Excellence Framework results 2014" (PDF).
- ↑ "Visitor attractions at The University of Manchester". University of Manchester. Nakuha noong 9 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manchester: Britain's greatest university?". The Independent. London. 9 Oktubre 2010. Nakuha noong 2 Enero 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)