Unibersidad ng Missouri

Ang Unibersidad ng Missouri (Ingles: University of Missouri), na kilala rin bilang Mizzou, MU, o University of Missouri–Columbia) ay isang pampubliko, land-grant, at pampananaliksik na unibersidad na matatagpuan sa estado ng Missouri, Estados Unidos. Noong 1839, ang unibersidad ay itinatag sa lungsod ng Columbia bilang ang unang pampublikong institusyon ng mas mataas na edukasyon, sa kanluran ng Ilog Mississippi. Bilang ang pinakamalaking unibersidad sa Missouri, nag-eenrol ang MU ng 35,448 mga mag-aaral[1] at nag-aalok ng higit sa 300 mga digring programa sa 19 akademikong kolehiyo sa taong 2014-15.[2] Ito ay ang flagship na kampus ng Unibersidad ng Missouri Sistema, na kung saan din ay nagpapanatili ng mga satelayt na kampus sa Rolla, Kansas City, at St. Louis.

Francis Quadrangle, na nagtatampok ng mga haligi at Jesse Hall
Tore ng Memorial Union

Ang MU ay isa sa mga top-tier R1 na institusyon at isa sa 34 na pampublikong unibersidad na naging miyembro ng Association of American Universities. Mayroong higit sa 300,000 MU alumni na naninirahan sa buong mundo kung saan higit sa isa sa kalahati ay patuloy na naninirahan sa Missouri.[3] Ang University of Missouri ay may ranggong pang-103 sa mga pambansang unibersidad ng Estados Unidos noong 2016, ayon sa US News & World Report.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "MU Facts & Pride Points".
  2. "University Registrar". University of Missouri. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 28, 2014. Nakuha noong Oktubre 17, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Mizzou". Missouri Alumni Association. Nakuha noong Abril 12, 2016. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

38°56′43″N 92°19′44″W / 38.9453°N 92.3288°W / 38.9453; -92.3288