Unibersidad ng Murcia
Ang Unibersidad ng Murcia (Español: Universidad de Murcia) ay ang pangunahing unibersidad sa lungsod ng Murcia, España. Ito ang pinakamalaking unibersidad sa Región de Murcia. Ang Unibersidad ng Murcia ay ang pangatlong pinakamatandang unibersidad sa Espanya, pagkatapos ng Unibersidad ng Salamanca (1218 AD) at Unibersidad ng Valladolid (1241 AD), at ang ikalabintatlo sa mundo. Ang Unibersidad ng Murcia ay itinatag noong 1272 ni Haring Alfonso X ng Castile,[1] sa ilalim ng Korona ng Castile .
Ang karamihan sa mga pasilidad at gusali ng Unibersidad ay nakakalat sa dalawang kampus: ang mas matanda ay ang La Merced, na matatagpuan sa sentro ng bayan, at ang mas malaki ay ang Espinardo, 5 km. sa hilaga ng Murcia.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ (sa Kastila) Historia de la Universidad de Murcia - Universidad de Murcia - Universidad de Murcia Naka-arkibo 2009-06-16 sa Wayback Machine.. Um.es. Hinago noong 2013-10-05.
38°01′06″N 1°10′12″W / 38.01831°N 1.17°W
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.