Unibersidad ng Nanjing
Ang Unibersidad ng Nanjing (Ingles: Nanjing University, NJU o NU, Pinasimpleng Tsino 南京大学, abbr. 南大; pinyin: Nándà, Nanda), o Unibersidad ng Nanking, na matatagpuan sa Nanjing, Tsina, ay isa sa mga pinakamatanda at pinakaprestihiyosong institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa Tsina. Kasunod ng mga pagbabago sa mga dinastiya simula noong CE 258, ito ay itinatag bilang isang modernong paaralan noong 1902 ng huling yugto ng dinastiyang Qing, at naging isang modernong unibersidad sa unang bahagi ng dekada 1920, sa unang mga taon ng Republika ng Tsina, at naging ang unang modernong unibersidad ng bansa na nagsanib ng parehong pagtuturo at pananaliksik. Ito ay naging isang tagapanguna sa mas mataas na edukasyon sa Tsina at nagtakda ng pundasyon para sa pagtatatag ng modernong sistema ng edukasyon dito. Bago ang pagtatatag ng Republikang Popular ng Tsina noong 1949, ang pangalan ay binago mula sa Pambansang Pamantasang Sentral (Ingles: National Central University) patungo sa kasalukuyang Unibersidad ng Nanjing.
32°03′22″N 118°46′30″E / 32.05611°N 118.775°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.