Unibersidad ng Nevada, Reno

Ang Unibersidad ng Nevada, Reno (Ingles: University of Nevada, Reno), na tinutukoy bilang Unibersidad ng Nevada o Nevada, at madalas dinadaglat bilang UNR, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na itinatag noong 1874 at matatagpuan sa Reno, Nevada, Estados Unidos. Ito ay ang nag-iisang land-grant na na institusyon sa buong estado ng Nevada.

Lawang Manzanita sa timog-kanlurang bahagi ng campus.
Mas lumang larawan na nagpapakita ng mga bahagi ng kampus sa harapan
Ang Quad

Ayon sa Carnegie Classification of Institutions of Higher Education, Unibersidad ng Nevada ay unibersidad na may mataas na aktibidad ng pananaliksik (RU/H).[1] Ang kampus ay tahanan sa malalaking mga laboratoryong pang-istruktura ng College of Engineering, na siyang naglagay sa mga mananaliksik ng Nevada sa hanay ng mga awtoridad sa pagmomodelo sa inhinyeriya-sibil, lindol at malakihang istruktura. Ang mga guro ay may pandaigdigang prestihiyo at lider sa iba't ibang mga lunan tulad ng literaturang pangkapaligiran, pamamahayag, pag-aaral Basque, at agham panlipunan tulad ng sikolohiya. Ito rin ay tahanan ng Donald W. Reynolds Paaralan ng Peryodismo, na nagprodyus ng anim na nanalo sa Gawad Pulitzer.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Carnegie Classification. "University of Nevada". carnegieclassifications.iu.edu. Nakuha noong 2016-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. University of Nevada, Reno. "About Us | The Reynolds School". Journalism.unr.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-02. Nakuha noong 2013-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

39°32′45″N 119°49′00″W / 39.5458°N 119.8167°W / 39.5458; -119.8167