Unibersidad ng New Mexico

Ang Unibersidad ng New Mexico (InglesUniversity of New Mexico), na kilala din bilang UN, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Albuquerque, estado ng Nuwebo Mehiko, Estados Unidos. Ito ay ang pangunahing institusyon sa pananaliksik buong estado, at ang pinakamalaking post-sekundaryang institusyon sa estado ayon sa kabuuang pagpapatala sa lahat ng mga kampus noong 2012,[1][2] at isa sa pinakamalaking tagapag-empleyo sa buong estado.

Bulwagang Hodgin, ang unang gusali sa kampus. Ang harapan ay nagbago, at ang mga gusali ay ginagamit ngayon ng Alumni Association.
Bulwagang Mesa Vista

Itinatag noong 1889, ang UNM ay nag-aalok ng mga digri sa antas batsilyer, master, doktor, maging mga propesyonal na programa sa malawak na pagpipilian. Ang Albuquerque kampus sa kasalukuyan ay sumasaklaw sa higit sa 600 ektarya (2.4 km2), at may mga sangay na kampus sa mga lungsod ng Gallup, Los Alamos, Rio Rancho, Taos, at Los Alsa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "UNM Factbook 2009–10" (PDF). University of New Mexico. Nakuha noong 2010-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "CNM Factbook 2009–10" (PDF). CENTRAL NEW MEXICO COMMUNITY COLLEGE. Nakuha noong 2010-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

35°05′02″N 106°37′07″W / 35.0839°N 106.6186°W / 35.0839; -106.6186   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.