Unibersidad ng Pennsylvania

Ang University of Pennsylvania (karaniwang kilala bilang Penn o UPenn) ay isang pribadong, Ivy League na unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Philadelphia, Estados Unidos. Ininkorpora bilang The Trustees of the University of Pennsylvania, ang Penn ay isa sa 14 unang miyembro ng Association of American Universities at isa sa siyam na orihinal na mga kolehiyong kolonyal.[2]

Ang rebultong ito ni Benjamin Franklin na donasyon ni Justus C. Strawbridge para sa Lungsod ng Philadelphia noong 1899 ay nakatirik ngayon sa harap ng College Hall.[1]
Upper Quad Gate

Ang mga paaralan ng Penn ay may napakataas na aktibidad ng pananaliksik.[3] Sa piskal na taong 2015, ang akademikong badyet ng Penn para sa pananaliksik ay $851 milyon, na kinasasangkutan ng higit sa 4,300 mga guro, 1,100 postdoctoral fellows at 5500 pansuportang kawani/katuwang panggradwado.[4] 30 Nobel laureates ang may kaugnayan sa Penn. Sa paglipas ng kasaysayan nito, ang unibersidad ay nakapagpatapos ng maraming prominenteng alumni.[5][6]

Ang Unibersidad ay itinuturing bilang ika-apat na pinakamatandang institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Estados Unidos,[note 1] pati na rin ang unang unibersidad sa Estados Unidos na may parehong programa para sa undergraduate at graduate na antas.

Karatig ng Penn ang Unibersidad ng Drexel at ito ay malapit sa University of the Sciences in Philadelphia. Ang kilalang cancer research center na Wistar Institute ay matatagpuan din sa kampus. Noong 2014 ang bagong gusaling glass and steel ay nakumpleto sa tabi ng makasaysayang 117-taong lumang gusaling ladrilyo ng Instituto na nagpapalawak pa sa umiiral na kolaborasyon ng universidad at Wistar Institute.[7]

Kilalang alumni

baguhin

Mga tala

baguhin
  1. Penn is the fourth-oldest using the founding dates claimed by each institution.

Mga sanggunian

baguhin