Unibersidad ng Pisa
Ang Unibersidad ng Pisa (Ingles: University of Pisa, Italyano: Università di Pisa, UniPi) ay isang Italyanong pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Pisa, Italya. Ito ay itinatag noong 1343 sa utos ni Papa Clemente VI. Ito ang ika-19 na pinakamatandang umiiral na unibersidad sa mundo at ang ika-10 pinakamatanda sa Italya.[1] Ang unibersidad ay nararanggo sa loob ng Pinakamataas na 10 sa buong bansa at Pinakamataas na 400 sa mundo ayon sa ARWU at QS. Narito ang Orto botanico di Pisa, ang pinakamatandang akademikong botanikal na hardin sa Europa, na itinatag noong 1544.
Ang Unibersidad ng Pisa ay bahagi ng Pisa University System, kung saan kabilang din ang Scuola Normale Superiore at Scuola Superiore di Sant’Anna.
Mga sanggunian
baguhin43°42′59″N 10°23′54″E / 43.716508333333°N 10.398458333333°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.